Bantay kontra droga sa opisina ng gobyerno sa Baguio, pinaigting

Sa isinagawang talakayan mula sa departamento ng human resource management ng Baguio ay pinaigting pa ang pagiging ligtas mula sa ipinagbabawal na gamot ang mga kawani ng gobyerno sa lugar ng kanilang pinapasukan sa city hall at iba pang ahensya ng gobyerno.

Inihayag sa pagtitipon ang pagprotekta sa kapakanan ng mga empleyado laban sa masasamang epekto ng mga bawal na gamot, mapahusay ang antas ng kamalayan sa drug abuse prevention at control upang i-update ang kaalaman ng mga empleyado sa mga komplikadong mga isyu kaugnay sa droga at pang-aabuso.

Ito ay upang makatulong sa mga empleyado na makamit ang magandang kalusugan, maiwasan ang mga problema sa bawal na gamot, pang-aabuso at dagdagan ang kaligtasan, ipaliwanag nang maayos kung paano ang programa ay maaaring makinabang ang mga empleyado at ang kaligtasan ng kanilang pamilya sa pagpapatupad ng Drug-Free Workplace program para sa pagkakaroon ng Drug-Free Philippines.

Iginiit ni Philippine Drug Enforcement Agency information officer Joseph Frederick Calulut ang mga probisyon at mga parusa sa ilalim ng Republic Act 9165.

Aniya, sa Artikulo V ng RA 9165 ay iniuutos ang pagsulong sa isang pambansang Drug-Free Workplace Program kasama ang paglahok ng mga pribado at ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Ayon kay HRMO city assistant Edith Dawaten, “ang pamahalaang lungsod ng Baguio ay bumuo ng mga programa sa drug abuse prevention at control sa pamamagitan ng isang ipinag-uutos na drug testing para sa lahat ng mga empleyado ng city hall sa ilalim ng Administrative Order No.117, serye ng 2016 at ang pagpapatupad ng mga patakaran at regulasyon nito.”

Ipinaalala ni Dawaten na lahat ng city hall employees ay sumailalim sa isang mandatory drug testing noong nakaraang taon at “limang empleyado ang natagpuan na naging positibo sa drug test.”

Gayunman, sinabi niya na ang mga empleyado ay kailangan pa ring sumailalim sa confirmatory test bago kumilos ang city government.

Samantala, ang City Social Welfare and Development Office ay patuloy sa pag-assist sa people with substance use disorders (PSUDs) upang maging produktibo at nag-aambag na maging makabuluhang miyembro ng komunidad at makamit ang isang mas mahusay na kalidad ng buhay. ABN

Amianan Balita Ngayon