Idineklara ng Executive Order No. 137, s. 1999 ang buwan ng Hulyo bilang National Disaster Consiousness Month na kalauna’y binago sa National Disaster Resilience Month (NDRM) sa bisa ng Executive Order No. 29, s. 2017 upang pagtuunan ng pansin ang pagpalit mula disaster awareness building sa disaster resilience. Ang taunang pagdiriwang ng NDRM ay binibigyan diin ang kahalagahan ng pakikipagtulungan sa pagtugon sa mga hamon ng Climate Change Adaptation and Mitigation (CCAM) at Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) at nag-uutos sa mga aktibidad na may-kaugnayan sa pagbuo ng katatagan sa sakuna na sumasakop sa apat na tematikong lugar: prevention and mitigation, preparedness, response, at rehabilitation and recovery.
Ayon kay Architect Felino Palafox, Jr. isang kilalang Pilipinong arkitekto at urban planner, ipinakita ng mga pag-aaral, pagsasaliksik, at karanasan na 90 porsiyentong mas matipid kung tutugunan ang mga panganib bago maging mga sakuna ito, kaya dapat nating pamahalaan ang mga ito ng maagap upang mailigtas ang mga buhay, imprastruktura, at mga gusali. Mayroong sampung gawa-ng-tao at walong mga likas na sakuna, at ang Pilipinas ay isang madaling masalanta (highly vulnerable) ng mga ito at ang mga epekto ng climate change gaya ng pagtaas ng lebelo ng tubig, mas malalakas ng bagyo, matinding pag-ulan, at stress sa tubig at iba pa. Bukod pa dito, dahil nasa isang rehiyon ng Pcific Ring of Fire at Typhoon Belt ay nalalantad ang ating bansa sa mga lindol, mga pagputok ng bulkan, paghagupit ng mga bagyo, sa average na 20 bagyo taon-taon.
Ipinagdiriwang ng buong bansa ang NDRM sa lahat ng probinsiya, lungsod, at mga munisipalidad sa pamamagitan ng mga aktibidad na nauugnay sa pagbuo ng katatagan sa sakuna. At sa taong ito ang pagdiriwang ay may temang “Bantayog ng Katatagan at ang Pagbubuklod sa Layuning Kahandaan”. Ayon pa rin kay Palafox, kailangan daw na ang lahat ng mga lungsod ay magsikap na maging puwedeng tirhan, napapanatili at matatag. Ito ay nangangailangan ng komprehensibong pagplaplano sa pag-unlad na layong bumuo ng matatag na mga lungsod at mga komunidad at tugunan ang mga epekto ng pagbabago ng klima at panganib ng sakuna.
Kailangang masuri ang kalantaran ng lungsod sa mga malalaking panganib gaya ng pagbaha, pagguho ng lupa, at tagtuyot. Dapat ding matukoy ang mga epekto ng climate change sa pamamagitan ng isang Climate Change Impact Chain Analysis at sa isang workshop na pinangunahan ni Palafox ay nabalangkas ang ilang mga rekomendasyon gaya ng : Pagtatatag at pagpapahusay ng Early Warning Systems (EWS), Riverbank protection, Slope protection, Reforestration projects, Drainage Network Masterplan and management, Riverfront development (esplanade, linear parks, and open spaces), Resettlement for highly exposed communities, Agricultural assistance for crop production, Expansion of irrigation sytems at Water supply provision and regulation for all barangays.
Marahil ay kailangan mamuhunan din ang gobyerno ng mga makabago at mga maaasahang kagamitan na angkop sa bawat sakunang dumating sa bansa. Tunay na hindi kakayaning harapin ang mga sakuna ng mag-isa, ang pagtugon ng maagap bago pa dumating ang mga ito ay nangangailangan ng pakikiisa at pakikipagtulungan ng lahat, pribado man o gobyerno. Nakikiisa ang Amianan Balita Ngayon sa pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month at
nananalangin din na huwag sanang hampasin ng matitinding sakuna ang bansa lalo na ngayong palapit na panahon ng tag-ulan.
July 13, 2024
November 30, 2024
November 23, 2024
November 17, 2024
November 9, 2024
November 1, 2024