Barangay business permit monitoring nagpapatuloy

LUNGSOD NG BAGUIO – Patuloy ang monitoring sa pagtugon ng mga business establishments sa permit requirements kabilang na ang mga nasa mga barangay.

Sa taong ito ay naglabas si Mayor Mauricio Domogan ng memoranda sa 53 barangay na inuutusan ang mga punong barangay na pilitin ang mga negosyante sa kanilang hurisdiksiyon na sumunod sa business permit requirements.

Ang hakbang ay base sa inspection report ng Permits and Licensing Division (PLD) ng opisina ng mayor sa ilalim ni supervising administrative officer Allan Abayao na regular na nagmomonitor sa mga negosyong ito at iniuulat ang mga nag-ooperate na walang
lisensiya.

Subalit may pagbaba ng mga establisimiyento na illegal na nag-ooperate sa mga barangay mula nang umpisahan ng mayor na isama ang mga opisyal ng barangay sa pagpapatupad ng permit
requirement noong 2012.

Noon, ang mga negosyong walang permit ay mas marami pa kaysa mayroon sa lahat ng barangay ngunit ngayon karamihan ay may permit na at iilan na lamang ang wala, ayon sa PLD.

Pinanatili ng mayor ang direktiba sa mga punong barangay upang masiguro na ang mga paglabag ay maitama.

Ang mga tumanggap ng memoranda ay hiniling na magulat ng kanilang mga aksiyon sa loob ng 15 araw.

Noong 2012, inumpisahan ni Mayor Domogan na isama ang mga opisyal ng barangay sa paglansag sa mga iligal na mga negosyo.

Kinakailangang magsumite sila ng imbentaryo ng mga negosyo sa kanilang lugar ng responsibilidad na nagresulta sa pagkakadiskubre na maraming negosyo sa karamihan ng barangay ang nag-ooperate na walang permit.

Ang mga nadiskubre na walang permit ay naabisuhan na tumugon sa mga requirement para maging legal ang kanilang negosyo.

Sinabi ng mayor na ang imbentaryo ng mga negosyo ay layong matiyak ang aktuwal na bilang ng mga taong nagnenegosyo at tulungan ang lungsod na ayusin ang investment records na siyang
requirement para sa lokal na gobyerno na maikonsidera bilang qualifier sa competitive cities search sa ilalim ng National Competitiveness Council (NCC) at iba pa.

PIO/ABN

Amianan Balita Ngayon