Barangay Fairview malaya na sa Lockdown – Magalong

BAGUIO CITY (April 25, 2020) – Dahil umano sa kanilang ipinakitang “disiplina at kooperasyon” ay pinalaya na ni Mayor Benjamin Magalong ang Barangay Fairview sa pagkaka lockdown nito noong mga nakaraang araw dahil umano sa ilang pasaway na mga residente ng nasabing barangay.
Ayon kay Magalong naging epektibo ang pagaya ng barangay Fairview noong Sabado mula 8.a.m ng umaga base na rin sa ipinakitang disiplina ng mga residente. Ani Magalong dapat magkaisa ang mga taga Baguio na sumunod sa ipinaiiral na batas sa kalagitnaan ng COVID-19 na krisis.
Dagdag pa ni Magalong,”May this also serve as a lesson to other barangays. We will not hesitate to lock you up if you will not abide by therules”.
Matatandaan na may ilang barangay ang naunang nailockdown dahil sa insidente ng mga nag positibo sa sakit na COVID-19 at mga naging pasaway na residente nito. Ito ang mga barangay Pinget San Vicente na hanggang sa ngayon ay iniobserbahan pa ng lokal na pamahalaan.
Nalagay din sa lockdown ang barangay ng Upper Dagsian, Woodsgate sa Camp 7 at Maria Basa noong nakaraang Sabado subalit dahil sa ipinakitang disiplina ng mga residente at muli itong binuksan ni Magalong.
Sa ngayon ay muling naalarma ang residente ng Baguio ng magbigay ng pahayag ang national government na kasama ang lunsod sa panukalang extension ng ECQ hanggang sa Mayo 15, 2020.
Subalit maaring mabago pa ang sitwasyon ng Baguio kung sakaling wala ng maidadagdag na biktima ng COVID-019 bago sumapit ang Abril 30, 2020.
Ace Alegre/ABN

Amianan Balita Ngayon