Basurang itinapon mo, babalik din sa iyo

Feb 5, 2018

Pobreng lungsod ng Baguio… may pera, may lupa, subalit walang lupang mapagtapunan ng sariling basura nito, ito ngayon ang pinagdadanan ng lokal na gobyerno sa kabila ng limpak-limpak na salapi ay hindi makakuha ng sariling basurahan nito kundi sa bayan pa ng Capas, Tarlac at sa lungsod ng Urdaneta.
Kamakailan lamang ay nagreklamo na ang bayan ng La Trinidad, Benguet dahil sa Barangay Lamtang ang garbage transfer station bago pa ito dahil sa Capas at dahil sa reklamong ito ay naghanap ng ibang waste transfer station ang contractor nito at pansamantala ay ginamit ang bayan ng Tuba na halos kalapit lang ng Dontogan Barangay sa may kahabaan ng Marcos Highway.
Ang siste ay may mga residente na nagpila ng reklamo na ang pagkakaroon ng garbage transfer station sa Tuba ay magdudulot ng kapahamakan sa kalusugan ng mga kabataan o ng mga mamamayan sa bayan ng Tuba.
Nagsimula ang paggamit sa nasabing lugar noong buwan ng Enero at ayon sa lungsod ng Baguio ay pag-aari ng Department of Agriculture at inayunan umano sila na pansamantalang gamitin ang nasabing lugar.
Naalarma ang bayan ng Tuba kung kaya’t naglabas ang Sangguniang Bayan ng isang resolution na sinusuportahan nito ang reklamo ng Upper Poblacion Barangay na hindi dapat doon ang tapunan ng basura ng Baguio dahil may nakaambang problemang pangkalusugan ito.
Ang Resolution No.18 ay pinangunahan ni Tuba Vice-Mayor Clarita Sal-ongan na ayon sa opisyal ay may katwiran umano ang mga residente sa kanilang petition na alisin ang nasabing garbage transfer ng Baguio.
Ayon sa petisyon ng mga taga-Tuba ay lubhang nakakaapekto sa kanilang kalusugan ang ginawang tambakan ng basura na halos di kalayuan sa karamihan ng residente. Idinulog na rin umano ng mga taga-Tuba ang kanilang hinaing sa tanggpan ng Environment Management Bureau (EMB) ng Department of Environment and Natural Resources ang kanilang petisyon upang gawan ng paraan na mailipat sa mas malayong lugar ang nasabing garbage transfer station ng Baguio.
Hindi rin umano nagsagawa ng “public consultation” ang mga opisyal ng Baguio hinggil sa plano nilang paglagay ng tambakan ng basura sa nasabing lugar kung kaya’t nagulat na lang sila nang may mga truck ng nagtatapon ng basura sa nasabing lugar na kung saan ay malapit sa karamihan ng mga residente at mga eskwelahan na maaaring magbigay ng sakit sa mga residente lalo na umano sa mga bata.
Ipagpalagay na natin na pinayagan ng DA ang lungsod na magtapon ng basura sa may Tuba ngunit nagpaalam ba sila sa mga taong nakapaligid sa nasabing bayan? Ito na nga ba ang sinasabi natin na ilang taon nang naging mayor at kongresman si Mayor Mauricio Domogan subalit hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakahanap ng lugar na masasabing garbage site ng lungsod, sayang naman ang milyon-milyong salapi ng lunsod kung hindi tayo makakagawa ng sariling sanitary landfill ng Baguio. Isang malaking hamon ito sa liderato ni Mayor Domogan na bago matapos ang kaniyang termino ay magkaroon na ng sariling basurahan ang lungsod. TFP

RELATED POSTS

SANA LAGING MAY GAMOT SA BARANGAY

SANA LAGING MAY GAMOT SA BARANGAY

Alinsunod sa Artikulo XV, Seksiyon 4 ng Saligang Batas, tungkulin ng pamilya na alagaan ang matatandang miyembro nito habang ang Estado ay...

LATEST NEWS

BAGUIO TOURIST ARRIVAL UMABOT SA 1.2 MILLION NGAYONG TAON

LUNGSOD NG BAGUIO – Tinatayang umabot na sa 1.2 milyong o’ 150,000 kada-buwan ang bilang ng mga turista na dumadagsa sa Summer Capital mula noong Marso hanggang buwan ng Nobyembre ngayon taon. Iniulat ni Supervising City Tourism Officer Engr Aloysius Mapalo, na ang...

LIGHTING OF CITY’S CHRISTMAS TREE

LIGHTING OF CITY’S CHRISTMAS TREE

“ An Enchanting Baguio Christmas “ activities. The Annual Yuletide Extravaganza brings happiness and colorful events after more than two year’s due to the COVID-19 Disease. Mayor Benjamin B. Magalong led the Switching of the Christmas Tree with Congressman Mark Go,...

PHILIPPINE FLAG CARRIER OPENS BAGUIO TO CEBU FLIGHT

PHILIPPINE FLAG CARRIER OPENS BAGUIO TO CEBU FLIGHT

Philippine Airline company gears up to reopen its regular flight from Baguio City to Cebu on December 16, 2022 . Starting with Four Flight per Week, the pioneer PAL service links the City of Pines with the commercial heart of Visayas Region for the first time. In...

31 NA DRUG PUSHERS TINUTUGIS SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Tatlungpu’t isang drug personalities na kabilang sa regional at city high value drug personalities ang kasalukuyang nasa manhunt operation ng pulisya at ng Philippine Drug Enforcement Agency na pinaniniwalaang nagtatago sa iba’t ibang barangay sa lungsod...

BAGUIO OPENS YULITIDE WITH MAMMOTH CROWDS

BAGUIO CITY - Crowds gathered in a post pandemic show of lights and sound which officially opened the Yuletide in the City of Pines. Hundreds lined the city’s main thoroughfares Thursday evening to witness the symbolic lighting of the city Christmas tree which kicked...

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

BAGUIO CITY (November 28, 2022) -- Triple A public works contractor Phesco Inc., operating a concrete batching plant in Sablan, Benguet, insists it has instituted mitigating measures averting earlier complaints of concrete spillages into the drainage system in sitio...

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest