Batac City hospital nagdagdag pa ng kuwarto para sa COVID-19 patients sa Ilocos Norte

LUNGSOD NG LAOAG – Ang ospital ng gobyerno sa lungsod na ito ay itataas ang room capacity para sa mga pasyenteng tatanggapin dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19). Sa virtual press conference na inorganisa ng Philippine Information Agency-Ilocos Norte Information Center, ay sinabi ni Dr. Maria Lourdes Otayza, Medical Center Chief of the Mariano Marcos Memorial
Hospital and Medical Center (MMMHMC) na babaguhin nila ang nasa 10 kuwarto ng bagong gusali ng ospital.
Ayon sa hepe ng ospital, ang limang palapag na bagong gusali ay hindi orihinal na ukol para sa mga pasyente ng COVID-19 ngunit dahil sa pagtaas ng symptomatic cases sa Ilocos Norte ay kinakailangang magdagdag ang ospital ng mas amraming higaan para matanggap ang mga pasyenteng dindala dito. “For the past months, we have been preparing to increase capacity — dagdagan ang mga kama na pwedeng tumanggap ng COVID-19.
Hindi kasi pwedeng isama ang COVID-19 na pasyente sa ibang pasyente,” ani Dr. Otayza. Sa nakaraang linggo, nanawagan ang pinakamalaking ospital ng mga donasyon upang tulungan ang mga pangangailangan sa mga bagong isolation rooms para sa mga pasyente ng COVID-19 gaya ng karagdagang wireless close circuit television (CCTV), wall fans, stand fans, pillows, bed sheets, maninipis na kumot, at tela para sa gown pasyente.
“The governor (Matthew Marcos Manotoc) is trying to mobilize for us. We have picked up the mechanical ventilators na 11 pieces that were donated through the coordination of Department of Health with World Bank,” sabi ni Dr. Otayza habang tinukoy niya ang karagdagang medical equipment para sa mas malaking Intensive Care Unit (ICU) na nangangailangan ng pondo. Hanggang Abril 13 ay may 30 parente ng COVID-19 ang ginagamot sa MMMHMC bilang COVID-19 referral hospital sa probinsiya.
Mula noong ikatlong linggo ng Marso ay mayroong pagtaas ng confirmed cases kung saan naniniwala ang epidemiologist mula MMMHMC na ang pagluluwag sa travel restrictions ay nagging sanhi ng sitwasyong ito sa kalusugan.
“Siguro nagkataon na noon, walang nakapasok dito sa Ilocos. Pero dahil sa mobility ng tao and naging open na tayo, may nakapasok. Mayroong mas nakakahawa na strain na COVID-19 for
example ‘yong mga galing sa Manila. Unlike last year na strict tayo sa mga borders kaya mayroon lockdown, wala masyadong mobility but the time we opened our borders, marami nang nakapasok kaya maraming nahawa,” ani Dr. Sheryl Racelis, isang epidemiologist.
Habang pinaluwag ng pamahalaang lalawigan ang ilang travel restrictions at paggalaw ng mga residente ay patuloy na pinaalalahanan ng mga eksperto sa kalusugan ang mga Ilokano na palagiang sundin at ugaliin ang minimum public health standards gaya ng pagsusuot ng face mask at face shield, hand sanitation, at social distancing dahil nananatili pa rin ang banta ng virus.
(MJTAB-PIA IN/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon