BANGUED, ABRA
Hinahangaan ngayon si Desiree Fae Palope, isang grade six student-athlete mula sa probinsya ng Abra, matapos niyang ipambili ng
alagang baka para sa kaniyang pamilya ang perang napanalunan niya sa katatapos na CARAA Meet 2025. Ipinapakita ni Desiree na hindi lamang niya itinuturing ang sports bilang isang laro, kundi bilang isang paraan upang makatulong sa pamilya. Ayon sa kanya, “Tapnu
haan nga mapukaw nga daras jay nagbannugak ken tapno umado ajay baka.” Mula nang pasukin niya ang sports na swimming sa edad na dalawang taon, marami na siyang nahakot na parangal.
Noong 2024 Abra Provincial Athletic Meet, nasungkit niya ang limang ginto at dalawang silver medal. Dahil dito, naging kinatawan siya ng probinsya ng Abra sa CARAA Meet 2025. Sa CARAA Meet 2025, nasungkit niya ang dalawang silver at isang bronze medal at kasama sa kaniyang napanalunan ang P37,500 na ipinambili niya ng baka. Bago pa man makamit ni Desiree ang tagumpay, nasubok din ang kaniyang katatagan pagdating sa pagbalanse sa pag-aaral at pagsasanay.
Ayon sa kaniyang coach na si Emily Bragas, “Sa umaga, nasa school po sila then after po ng classes sa hapon, mga 4:30, pumupunta na po kami sa pool sa Luswak, Lagayan, Abra na kung saan po sila nagtitraining hanggang alas 7:00 ng gabi. So, sa umaga nasa school siya at kung may nakaligtaan o hindi siya nagawang mga assignments, binibigyan na lang namin siya ng module.” Ngunit sa kabila nito, pursigido pa rin si Desiree na ipagpatuloy ito. “Narigat ti practice ngem inkarkarigatak ti lamiis na tapno laeng mangabak nak,” saad niya. Idinaos ang CARAA Meet 2025 sa La Trinidad, Benguet kung saan ang tema ay “Fostering a United and Healthier Cordillera through Sports”.
Hubert Balageo/UB-Intern
March 29, 2025
March 29, 2025
April 12, 2025
March 29, 2025
March 22, 2025
March 9, 2025
March 4, 2025