Bauang employee of the month, pinarangalan

BAUANG, LA UNION – Binigyan ng parangal ni Mayor Eulogio Clarence Martin P. De Guzman ang dalawang kawani sa munisipyo ng Bauang bilang Employee of the Month for January 2017.

Mapalad na napili sina Marlita G. Biason na isang Admin Assistant II sa Budget Office bilang permanent employee at si Anna L. Montanez, Administrative Aide ng MSWD bilang Job Order.

Ayon kay De Guzman, “Marapat lang na bigyan rin natin ng kahalagahan ang bawat empleyado sa bawat departamento ng ating munisipyo, dito natin nakikita ang kanilang pagtupad sa matapat at kasipagan sa kanilang panunungkulan, lahat kayo mga kawani ay mabibigyan ng pagkakataon sa pamamagitan ng inyong maayos at magandang performance dahil bawat buwan ay pipili tayo ng employee of the month,” ani De Guzman.

Sa panayam naman ng Amianan Balita Ngayon kay Marvin S. Subala, head HRMO department, “Nagkaroon kami ng nomination for Employee of the Month from January to November at sa buwan ng December ay magno nominate naman kami ng Employee of the Year 2017.”

“May mga alinsunod kami criteria na mula sa Civil Society Organization na binubuo ng pamilya, lupon at NGOs na pipili at mag iinterview rin sa mga nominee para sa employee of the month para hindi lamang kami mga nasa departamento ang pipili kundi maging sa labas rin ng society organization.”

Ang mga criteria sa bawat departamento ay ang attendance, performance, inter-personal relationship, service awards or accomplishment mula sa local o national, kailangang nakikita na talagang nagtatrabaho at kusang gumagawa ng kanyang trabaho at hindi nagpapakita lang kung may sumusubaybay sa kanyang head o supervisor.

“Ngayon buwan ng February ay on going pa rin ang nomination na ito ngayon ang binibigyan natin ng pansin sa mga empleyado,” ani Subala. ABN

Amianan Balita Ngayon