Bauangeño kalahok sa 44th SSEAYP

BAUANG, LA UNION – Kinumpirma ng Commission Proper na isa si Jeddahn P. Rosario ng Barangay Baccuit Sur, 29 taong gulang ng bayang ito na kalahok sa Participating Youths of the Philippines sa 44th Ship for Southeast Asian and Japanese Youth Program (SSEAYP), bilang kinatawan ng Region I.
Mula 1974 ay nakapagpadala ang SSEAYP ng Philippine Youth Ambassadors of Goodwill at naghatid ng mensahe ng pag-ibig at kapayapaan sa isang extraordinary cruise palibot ng Southeast Asia at Japan sa pamamagitan ng comprehensive on-board at home stay programs nito na may halos 400 Youtj Ambassadors mula Japan at mga bansa ng ASEAN.
Kaalinsunod nito ay layon ng programa na itaas ang mas mabuting unawaan sa pagitan ng Japan at ASEAN integration na hakbang ng gobyerno. Kabilang dito ang discussion sessions sa Good and Bad Aspects of Globalization, Information and Media, International Relations (ASEAN)-Japan Cooperation, Measures against Lifestyle-related Disease, Quality Education, Reduced Disparity, Resilient and Sustainable City Design, Youth Entrepreneurship at iba pang mahalagang usapin bilang tampok ng SSEAYP.
Napili si Rosario ng National Youth Commission (NYC) bilang isa sa 27 kalahok na kabataan sa programa. Kasama ni Rosario si Liezl Acena para sa Region I.
Ang kanilang tambalan na tinawag na Bulawan na isang terminong Bisaya na ibig sabihin ay ginto ay makikilahok sa programa mula Oktubre 23 hanggang Disyembre 15, 2017 sa Japan, Cambodia, Thailand, Lao PDR, Malaysia at Indonesia.
Kasalukuyang Director ng Center for Culture, the Arts and Heritage (CCAH) ng Saint Louis College sa loob ng pitong taon. Isa rin siyang guro sa kolehiyo sa languages and the arts disciplines at dance trainer ng walong taon. Bauang PIO / ABN

Amianan Balita Ngayon