Bayan sa Mt. Province nagsauli ng higit PhP1-M ng pondo ng SAP

LUNGSOD NG BAGUIO – Isinauli ang bayan ng Sadanga sa Mt. Province ang PhP1.47 milyon na dapat sana’y para sa mga benepisyaro ng Social Amelioration Program (SAP) bilang emergency cash assistance.

Hindi ma-disburse ng Sadanga ang PhPq,474,000.00 dahil diumano’y wala ng kuwalipikadong pamilya sa bayan na tatanggap ng pinansiyal na tulong na PhP5,500.00.

Nagdownload ang DSWDCordillera ng pondo para sa 1,400 puntiryang benepiasryong pamilya, ngunit sa aktuwal na bigayan, 1,132 benepisaryo lamang ang kuwalipikadong tumanggap ng nasabing emergency cash assistance.

Sinabi ni Leo Quintilla, director ng DSWD-Cordillera na ang Sadanga ang unang local government unit sa mga nakakumpleto na ng kanilang payout sa Cordillera na nagsauli ng hindi nagamit na pondo ng SAP.

Magsasauli din ang mga bayan ng Barlig at Besao sa Mountain Province; Bucloc at Daguioman sa Abra; Tanudan at Tinglayan sa Kalinga at Mayoyao sa Ifugao ng kanilang hindi naipamahaging cash assistance funds, ayon kay Quintilla.

Nauna dito ay hindi tinanggap ni Sadanga Mayor Gabino Ganggangan ang sana’y family food packs para sa kaniyang bayan na ayon sa kaniya ay mas marami pa ang higit na nangangailangan, at ipinaliwanag na minabuti ng taongbayan na gawin ang isang “pinatunayan na ng panahon” na katutubong tradisyon ng pangangalaga sa kanilang kababayan sa panahon ng mga pagsubok.

Ang rehiyon ng Cordillera ay ang pangatlong rehiyon sa bansa na nakakumpleto na ng pamamahagi ng SAP. Ang puntiryang benepisaryong pamilya ng SAP ay inilagay sa 297, 289.

AAD/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon