BBM-Sarah Proklamado na!

May 28, 2022

Sa wakas sa ganap na alas 6:42 ng gabi ng Mayo 25, pagkatapos ang napakabilis na canvassing…naiproklama na bilang pangulo at ikalawang pangulo ng Pilipinas sina Pres. Ferdinand Marcos Jr. (Bongbong) at Sarah “Inday” Duterte Carpio.

Naging makasaysayan ang eksenang ito dahil sa laki ng lamang nila sa kanilang kalaban noong eleksiyon, ngayon lang tayo nagkaroon ng kauna-unahang Majority President at Vice President sa katauhan nina BBM at Inday Sarah.

Nagbunyi ang lahat lalo ang Canvassing body (Senate/House-Congress) dahil natapos ang kanilang trabaho sa loob lamang ng dalawang araw.

Katunayan, ayon sa ulat, isang dahilan sa mabilis na canvassing ay sa suportado ito ng mismong mga nakatunggali ng dalawa. Walang naging sagabal sa bilangan.

Kudos kina VP Leni, Sen. Pangilinan at Mayor Isko. Walang mapagsidlan ng saya, paghanga, pagrespeto at pagsaludo sa naganap na canvassing at proklamasyon. Mga kapamilya ni BBM pati na ang halos di na makalakad niyang inang si Imelda ay kasama. Punado naman ng marami na nag-iisa lamang si VP Sarah nang naiproklama. Maaring di lang sila sumama sa entablado.

Mabuhay tandem BBM-Sarah – ang ating bagong Pangulo at Bise presidente! At ngayong proklamado na sila…ang susunod ay ang kanilang pagsisimulang manungkulan sa Hulyo pagkatapos ng termino ng mga nakaupo hanggang Hunyo 30.

Tunay na kapanapanabik ang susunod na mga araw. Muling makakabalik ang mga Marcos sa Malakanyang at hindi naman mawawala ang anino ni Pres. Duterte (Digong) dahil kay VP Sarah.

Kasaysayan muli ito na dapat itala, ika ng marami. Pero sa likud ng kanilang tagumpay na tagumpay din sana lahat ng ating bansa….may mga kurokuro, obserbasyon, analysis, pangamba at mga pagtatanong pang naghihintay ng kasagutan. Maramil lahat ng mga ito ay matutugon sa loob ng panunungkulan ng dalawang opisyal lalo na sa panig ni Bongbong. Subukan nating pasadahan ang ilang katanungan ng madla:

Tunay daw kaya ang pagkakaisa at wala ng mga sagwil sa panunungkulan ni BBM? Wala kayang mga nakatagong pagkilos ng mga kontra upang sirain ang landas na pangakong pagkakaisa?

Sa likud ng mga nalagpasang batikos at paninira…mababaon na kaya ang mga ito sa limot o kaya’y sasabay parin habang nakaupo si BBM?

Makakalkal kaya ang isyu ng mga nasamsam noon na mga pag-aari ng mga Marcos? Mababago na kaya ang pananaw sa mga sinasabing negatibong kumento kontra sa deklarasyon noon ng Martial Law?

Papano raw ang gagawing pagbalangkas sa itinala na sa kasaysayan ng Pilipinas ang mga diumao’y kasamaan ng martial? Nalimot na kaya lahat ng mga magagandang reporma at nagampanan ng dating diumano’y diktador na si Makoy.?

Magkakaroon kaya ng benggansa o paghihigante ? Yan at maraming iba pang nakabiting mga katanungan na dapat makitaan ng sagot sa pagbabalik ng mga Marcos sa Palasyo. Sa panig ng Daplis…mas mainam na ating hintayin ang mga susunod na kabanata. Tayo ay tiklop-palad na umaasa ng panatang – “Pagkakaisa” ni BBM at Sarah.

Sa punto ng mga centrists (hindi makakaliwa at makakanan) o nasa-gitna….sa nakuhang suporta ng nakararaming mamamayan nina BBM at Sarah….nangangahulugan na mas marami ang may gusto sa pagbabago, pagkakaisa at mas maunlad na bansang Pilipinas.

Kung ang maraming bansa sa mundo ay nagpahayag na ng kanilang suporta sa susunod na administrasyon….tayo pa kaya na direktang sakop ng serbisyo ng ating pamahalaan and di makipagkaisa?

Sabi nga ng mga praktikal ang pananaw: gobyerno at mamamayan ay dapat magkaisa at magtulungan para sa ating pag-unlad. Isantabi ang siraan at ituwid ang mga likul-ikong daan.

Ang nakaraan ay gawing aral at pondasyon para sa mas matatag na hinaharap. Hindi para sa atin ang kasalukuyan kundi para sa darating pang henerasyon ng lahing-Pilipino. Adios mi amor, ciao, mabalos

RELATED POSTS

Pag-Upo ni BBM…. Ano kaya????

Habang sinusulat ang espasyong ito….ilang araw na lang, uupo na bilang pangulo ng bansa si BBM. Marami ang nananabik bagama’t may mga...

Dumi ng pulitika….. Salot sa lipunan!

Tapos na ang halalan. Inagurasyon para sa pagkapangulo at bise, hinihintay. Exit ni Pres. Duterte at entrada ni BBM sa Malakanyang…ilang...

Sabuyan ng putik… Lalong grumabe pa!

Abril na. Kulang na lang sa apatnapung araw ang kampanyahan…eleksiyon na. Marami ang sabik. Marami rin ang inis. Ang dahilan – lalong...

LATEST NEWS

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

BAGUIO CITY (November 28, 2022) -- Triple A public works contractor Phesco Inc., operating a concrete batching plant in Sablan, Benguet, insists it has instituted mitigating measures averting earlier complaints of concrete spillages into the drainage system in sitio...

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

IT BEGINS

IT BEGINS

Members of the Fil-Am Golf Invitational executive committee pose with Baguio mayor Benjamin Magalong after the ceremonial tee-off at the Baguio Country Club Thursday, Nov. 24 that signal the starts of the 72nd edition of the worlds largest amateur golf tourney. Some...

10 DRUG PERSONALITIES, NALAMBAT SA OPERASYON SA CORDILLERA

LA TRINIDAD,Benguet -- Arestado ang sampung drug personalities sa isang linggong anti-illegal drugs operation ng Police Regional Office-Cordillera na isinagawa mula Nobyembre 13 hanggang 19. Sa talaan ng Regional Operations Division (ROD) ng PROCOR, anim na drug...

BARANGAY MERGING ISINUSULONG NA SA LUNGSOD NG BAGUIO

BAGUIO CITY – Inaprubahan na sa unang pagbasa ng Sangguniang Panlungsod sa kanilang regular session noong nakaraang Lunes ang iminungkahing ordinansa na nag-aapruba sa pagsasanib ng 128 barangay ng lungsod mula sa 34 barangay lamang, na napapailalim sa mga limitasyon,...

MINE SAFETY FIELD DEMO

MINE SAFETY FIELD DEMO

The Philippine Mine Safety and Environment Association held its Mine Safety Demo and Competition at the Melvin Jones football field. Mining companies all over the country demonstrate their skills in Mine Safety and first aid response during the COVID-19 Pandemic....

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest