BBM- SUGOD MARINO ANG TRABAHO

Nasa Cambodia na ang Pangulong Bongbong Marcos Jr. upang dumalo sa Asean Summit –o pulong ng mga bansang sakop ng Southeast Asia. Tiyak na maraming mga mahahalagang isyu ang matatalakay lalo na sa linya ng kalakaran, pa-empleo, at kooperasyon upang mapaunlad pa ang rehiyong ito. Sasamantalahin din daw ni Pres. Bongbong ang pagkakataong ito upang makausap ang presidente ng
China (Jinping) hinggil sa isyu ng West Phil. Sea. Bago tumulak pa-Cambodia ang pangulo, ratsada naman ang kanyang mga trabahong iniwan sa ating bansa.

Yan ang ating hahalukayin sa eksenang ito ng daplis: Tumapik ang pangulong Marcos na dapat aniyang
ituloy ang isinasagawang imbestigasyon sa pagpatay kay mediaman Percy Lapid upang malaman ang
katotohanan. Patung-patong na ang mga ulat sa pag-usad ng imbestigasyon sa naturang kaso. Katunayan, sa 160 “persons of interest”…nakasama pa rito ang pangalan ni dating pangulong Digong Duterte.

Ano ba ang basehan ng listahan ng “Persons of Interest”? Base sa panuntunan ng mga imbestigador…ito ang mga taong “nabanatan” noon ng Lapid Fire ni Percy Lapid bago siya pinaslang. Umusad na rin ang mga ulat hinggil sa kung papano inilipat o ipinadala ang kalahating milyong pesong upa ng mga taong kinutsaba para patayin ang mamamahayag. Kamakailan… naging suspense ang isyu kung sino diumano ang mastermind o nag-utos sa mga kakutsaba na patayin ang mediaman.

At kalaunan lumabas na mismong ang Bucor head at kasamahan diumano ang siyang nag-utos. Bagama’t todo-tanggi naman sa akusasyon ang mga tinukoy…patuloy pa rin angpagdiin habang hinihintay ang
paglabas ng kanilang warrant of arrest. May bagong suspense ulit na lumabas kamakailan lang. Di ba ang sabi ng mga ulat na si Bantag daw ang mastermind sa pagpaslang sa mediaman? May tao daw na mas mataas kay Bantag na tunay na mastermind.

Sus maryusep! Baka naman sa mga susunod na ilalabas na ulat ay may iba pang mataas na tao ang nasa
likud ng mataas na taong yan. Ang pahapyaw ng mga nagiimbestiga… kasi raw ay napipiga na ang ilang
kakutsaba upang magsabi ng totoo. Ang kaso, hindi pa naman nagsasalita si Bantag. Sabi ng marami…kung totoo ang paratang, tiyak si Bantag lang ang nakakaalam kung sino ang nagpakana o talagang
mastermind sa pagpatay kay Lapid. Haayy buhay nga naman. Dahil sa ang pinatay na si Lapid ay kilalang
personalidad at hard-hitting commentator…kaya ganun na lamang ang pagtutok ng kapulisan sa isyu.

Tanong:papano kaya kung ang pinatay ay isang common-tao lang at hindi kilala sa lipunan…may ganyan kayang pagtutok sa kaso?Kamakailan ulit…may pinaslang na dalawang babae at itinapon sa sakop ng Tuba, Benguet. Anak daw ng pulis ang isa. Ang masakit, ubod sa sila’y nakatali pa…inalisan pa ng isang mata ang ikalawa. Ayon sa mga imbestigador, grabeng pinahirapan ang dalawang babae, edad 16 at 19 bago pinaslang at itinapon.

Palaisipan pa rin ang pangyayari. Balikan natin ang ulat na anak ng pulis ang isa sa dalawang biktima. Bakit kaya ginawa ito? May kinalaman kaya ang trabaho sa nangyari? Hanggang sa ngayon, di pa rin
tumitigil sa imbestigasyon ang mga otoridad upang alamin ang katotohanan. Ang mga biktima ay hindi taga-Benguet kundi taga Pangasinan. Sana malutas ang kaso. Bago tumulak ang Pangulong Marcos sa
Cambodia, kanya ding dinalaw ang mga kababayan natin sa Leyte at karatig-probinsiya na sinalanta ng bagyong Yolanda noon.

Hanggang sa ngayon kasi, marami pa rin sa mga biktima ang di pa nakakabangon. Idagdag mo pa ang mga sinalanta ng bagyong si Paeng. Sa pagsosona ng kasalukuyang administrasyon, may mga
nakitang kakulangan sa kahandaan sa tuwing may kalamidad. Nais neto na higit na mapalakas at mapabilis ang pagaayuda ng gobyerno sa mga nakakalamidad nating kababayan. Sana ganyan lagi.
Good luck Mr. President! Adios mi amor, ciao, mabalos.

Amianan Balita Ngayon