BCPO nagtalaga ng mas maraming pulis bilang vaccinators

Metro BLISTT

LUNGSOD NG BAGUIO – Nasa 72 personnel ng Baguio City Police Office (BCPO) ang itinalaga ng mga awtoridad ng pulis ng lungsod upang tumulong sa mass vaccination program ng gobyerno sa natukoy na megavaccination centers sa lungsod.

Iniulat ni BCPO City Director Police Col. Glen Lonogan na gumawa na siya ng pormal na kahilingan sa pinuno ng regional health service ng Police Regional Office (PRO) sa Cordillera para sa posibleng pagtatalaga ng isang hiwalay na grupo ng vaccinators na karagdagan sa kasalukuyang personel ng Lokal na gobyerno at BCPO upang itaas ang vaccination coverage sa lungsod ng mga pino.

Sinabi niya na ang mga tumutulong na police personnel sa isinasagawang vaccination campaign ay kasalukuyang naitalaga sa Saint Louis
University (SLU) gym at sa the SM City Baguio parking area upang masiguro na mas marami pang tao ang mababakunahan sa kanilang pagdating sa mga nasabing vaccination centers.

Bukod sa pagtatalaga ng karagdagang vaccinators, sinabi ni Lonogan na ang mga police personnel ay naitalaga rin sa iba’t-ibang istasyon ng pulis na may sakop sa vaccinaton centers upang magbigay ng seguridad sa lugar gayundin sa pamamahala ng trapiko upang maiwasan ang pagsisikip na magiging sanhi ng abala sa mga taong nais magpabakuna.

Nauna dito ay hiniling ni Mayor Benjamin B. Magalong sa pamunuan ng BCPO na magsagawa ng imbentaryo ng uniformed at non uniformed personnel sa iba’t-ibang opisina at istasyon na maaaring maitalaga sa iba’t-ibang vaccination centers sa buong lungsod na tutulong sa isinasagawang implementasyon ng pagbabakuna sa mga miyembro ng priority sectors sa lungsod.

Ayon sa kaniya, ang imbentaryo ng personnel na maitatalaga na tutulong sa isinasagawang vaccination roll out ay nakumpleto na at maitatalaga sila kung kinakailangan mula sa vaccination centers upang maipagpatuloy nila ang pagtratrabaho sa kanilang naitalagang tungkulin at responsibilidad sa mga kasalukuyang destining opisina.

Sinabi niya na ang regional health service ay nakapangako na ng isang grupo mula sa nasabing grupo na ang mga miyembro ay maaating maitalaga anumang oras sa iba’t-ibang vaccination centers upang tumulong sa pagbabakuna sa mga miyembro ng priority sector para makamit ang ninanais na herd immunity sa mga residente ng lungsod.

Nakahandang buksan ng lungsod ang karagdagang vaccination centers sa mga strategic na lugar sa pakikilahok ng pribadong sektor upang maging handa ang mga bakuna para sa mga potensiyal na tatanggap nito sa 128 barangay sa lungsod na lalong itaas ang populasyon ng fully vaccinated sa darating na mga buwan oras na magkaroon na ng handang suplay ng mga bakuna.

Sa ngayon, ang mga operational vaccination centers sa lungsod ay ang: SLU gymnasium sa Bonifacio St., the University of Baguio (UB) gymnasium sa Gen. Luna St., ang SM City Baguio parking area kung saan dalawang lebelo ang inilaan para sa nasabing kaukulan, at ang Baguio Country Club Cordillera Convention Center.

Ang Saint Vincent gym ay naunang ginamit para sa vaccination roll out ngunit gagamitin na ngayon ng institusyon para sa iba-ibang kaukulan.

(DAS-PIO/PMCJr.-ABN)