BCPO nanguna sa manhunt operations sa Cordillera

Metro BLISTT

BAGUIO CITY – Nanguna ang Baguio City Police Office mula sa pinaigting na manhunt operations ng Police Regional Office-Cordillera na nagresulta sa pagkakaaresto sa 52 wanted personalities sa rehiyon.

Sa talaan ng PROCOR Regional Investigation and Detective Management Division (RIDMD), mula Abril 24-30, naitala ng Baguio CPO ang pinakamataas na bilang ng mga naaresto 27 wanted personalities, sinundan ng Benguet PPO na 11; Kalinga.

PPO-6; Ifugao PPO-4; Mt. Province at Apayao PPO na may tig-dalawang nadakip. Sa nasabing bilang, siyam ang nakalista bilang Most Wanted Persons, kung saan, isa ang nakalista sa Regional Level, apat sa Provincial Level, dalawa sa Municipal Level at dalawa sa Station Level.

Kinilala ang nadakip na No.2 Regional Most Wanted Person na si Ryan Moren, na may kasong murder. Sa Provincial Level, magkahiwalay na inaresto sina Anselmo Dulnuan, Wilmar Familan, at Gerson Lope, na na may kasong carnapping, sa Municipal Level, ay nadakip sina Randy Asiw, na may kasong Frustrated Murder; at July Gonnay, na may kasong murder.

Sa Station Level, si Kim Moncado, na nakalista bilang No. 8 ay naaresto dahil sa paglabag sa BP 22 o ang Anti-Buncing Check Law at Jay Brian Antonio, sa kasong Violence Against Women and their Children Act.

Zaldy Comanda/ABN