BAGUIO CITY
Inilunsad ng Baguio City Police Office (BCPO) ang kanilang pinakabagong inisyatibo para sa kaligtasan at convenience ng mga mamamayan at turista – ang BCPO View Baguio App. na ginanap sa city hall ground, noong Pebrero 17. Sa harap ng mga persistent concerns ng lungsod tulad ng mabigat na trapiko, limitadong parking spaces, at mataong tourist destinations, ang BCPO, sa ilalim ng pamumuno ni City Director Police Colonel Ruel Tagel, ay nagsama-sama upang bumuo ng isang makabagong tool na magbibigay kapangyarihan sa publiko na mag-navigate sa lungsod nang madalian.
Ang BCPO View Baguio app ay idinisenyo upang mag-alok ng isang seamless, convenient, at secure na paglalakbay sa lungsod. Nagbibigay ito ng real-time traffic updates, na nagbibigay-daan sa mga user na magplano ng kanilang mga ruta nang mahusay. Kasama rin dito ang impormasyon sa parking availability upang makahanap ng mga bakanteng espasyo malapit sa mga pangunahing destinasyon, at crowd estimates ng mga tourist spots upang masulit ang karanasan sa lungsod. Higit pa sa convenience, ang BCPO View Baguio app ay isang mahalagang tool para sa
public safety.
Nagbibigay ito ng mabilis na pag-access sa mga crime prevention tips at mahahalagang city ordinances, kasama ang mga importanteng hotline numbers para sa mga agarang pangangailangan. Pinangunahan ni Mayor Benjamin Magalong at Police Colonel Ruel D. Tagel ang ceremonial unveiling ng app. Matapos nito, hinikayat ang lahat na i-scan ang QR code na ibinigay upang ma-download ang app. Sa kasalukuyan, ang BCPO View Baguio app ay available para sa mga Android users. Ngunit, patuloy na nagsusumikap ang team upang palawakin ang availability nito sa iba pang operating systems sa malapit na hinaharap.
Dahil ito ay isang developing app, bukas ang BCPO View Baguio app sa mga comments, suggestions, at recommendations mula sa mga user. Maaari itong ipost gamit ang feedback feature ng app. Sa pamamagitan ng BCPO View Baguio app, kaagapay ng BCPO ang mga mamamayan para sa ligtas at maginhawang paglalakbay sa siyudad ng Baguio. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring sumangguni sa opisyal na Facebook page ng BCPO.
Daniel Mangoltong/UB-Intern
March 22, 2025
March 22, 2025
March 22, 2025
March 22, 2025
March 22, 2025