Bago ang lahat, babati muna po ako sa inyo ng Maligayang Manigong Bagong Taon. Eto nga po at ikwekwento ko sa inyo ang pangyayari kelan lamang sa isang Frontliner.
Tinext at nilapitan na niya ng tulong ang kailangan hingan ng tulong mula sa mataas na Opisyal sa Lungsod ng Baguio at ganyan din sa Benguet.
Bakit nga ba kasi napakahirap ng mga requirements at ang daming dokumento ang kailangan bago mabigyan ng aksyon ang mga ganitong
sitwasyon. Ekonomiya na nga natin ay bumabagsak pati ba naman pagiging maka-tao at serbisyong publiko ay hindi pa magawa ng mga hinalal at tagapangalaga na mga ito, isama pa natin ang Opisinang Social Welfare daw diumano.
Tandaan na kayo ay aming tinitingala, umaasa na ang ganitong mga kalakaran ay mabago sana. Mabigyan ng solusyon dahil kayo naman ang siyang gumagawa ng Batas na makatutulong sa lahat.
Forever na nga kaya ang ganitong mga pangyayari? Huwag naman po sana, kaya rin siguro ginawa ng Diyos ang Babae upang mabalanse.
Oo napag-alaman namin kahit hindi sabihin nakakatuwang malaman na ang isang kakilalang kaibigan ay hindi pa man nasa posisyon ay handang tumulong.
Nganga ka man sa iba, sabihan man nilang dahil kampanya, normal lang talaga ang intriga. Pero nakikita ng Diyos kung ano ang intensyon
ng tao sa pagtulong at salamat ikaw ay handang tumulong.
Government? Let the people feel the presence of the Government kamo at mula sa natatanggap naming mensahe patungkol sa mga ginagawa ng taong ito nalalaman ng lahat na hindi pa man naka-upo ang babaeng ito ay nariyan na at pinaparamdam ang Gobyerno.
Walang ibang hiling ang ating mga frontliners kundi bigyan naman sila ng kaonting pansin, hindi lamang ang kanilang Opisyales o nakakataas ngunit itong mga ating Nurse, Med Tech, Hospital Cleaners etc… na talagang sila ang sumasabak sa Laban na ito. Ayy naku, huwag na natin hintayin na may mamatay saka tayo gagalaw, nakakalugkot ngang malaman na pumanaw ang isang Frontliner kamakaipan.
Tulad na lamang ngayon na Bakuna time, kulang ang ating mga Frontliners sa dahilan na alam niyo na. Isama pang nagkukulang na pati gamot.
Nandito tayo para ipaalam ang kwento na ito, kaya kung may pagkakataon ka na tumulong maliit o malaki man yan. Ituloy mo iKit dahil ang Diyos ay hindi natutulog, alam niya ang pusong handang maglingkod at hindi mo alam kung anong grasya ang nasa likod.
January 9, 2022