Beach resort caretaker sa Ilocos Sur patay sa pamamaril

CAMP OSCAR FLORENDO, La Union – Isang 57 anyos na caretaker ng isang beach resort ang pinagbabaril hanggang sa mamatay sa loob ng kaniyang pinagtratrabahuan sa baybayin ng barangay Ambucao, Santiago, Ilocos Sur noong Martes (Enero 21).
Ayon kay PLt. Rodel Ragasa, police chief ng Santiago municipal station, iniulat at kinilala ang biktima na si Eduardo Sabado, alias Ciano, caretaker ng Magic 5 Resort sa nasabing barangay nang biglang dumating at lumapit ang suspek/s sa biktima at binaril ito sa noo at dibdib.
Nagtamo ang biktima ng tatlong tama ng bala ng baril at idineklarang “dead on the spot.” Sa inisyal na imbestigasyon ay sinabing nililinis ng biktima ang lugar ng resort umaga ng Martes (Enero 21)ng dumating ang hindinakilalang armadong suspek at binaril ang biktima na sanhi ng agarang pagkamatay nito.
Napag-alaman din na ang biktima ay isang drug surendere ng Santiago PNP, ayon sa ulat.
Agad ipinagbigay alarma ang insidente sa mga kalapit na PNP stations para sa gagawing dragnet operation.
 
EB/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon