Benguet cops nakaiskor ng P20.1-M ng marijuana,4 drug personality

CAMP DANGWA, Benguet – Muling umiskor ng mahagit sa P20.1 milyong halaga ng iligal na droga ang Benguet Provincial Police Office sa kanilang patuloy na marijuana eradication, samantalang apat na drug personalities ang nalambat sa buy-bust operation, ayon sa Police Regional Police Office-Cordillera.
Nabatid kay Regional Information Officer Capt. Marnie Abellanida, may kabuuang 99,620 fully grown marijuana na may halagang P20,116,000 ang binunot at sinunog mula sa nadiskubreng plantaasyon sa bayan ng Bakun at Kibungan,noong Pebrero 6-10.
Ayon kay Abellanida, bukod sa masigasig na marijuana eradication ng Benguet PPO, ay patuloy din ang operation laban sa mga drug personalities, na ikinadakip ng dalawang katao. Nalambat ng mga operatiba ng La Trinidad MPS ang High Value Individual (HVI) na si Gerbel Kim Caga sa isinagawang buy-bust operation at nahulihah ng dalawang plastic sachets ng shabu na may halagang P1,496.00.
Nasundan ito ni Sonny Modesto Lorenzo, listed as No.10 Regional Drug Personality, na nahuliahan ng 1.5 gramo ng shabu na may halagang P10,200.00 at isang Cal.38 with 4 live ammos sa isinagawang search warrant operation.
Nalambat din ng Buguias MPS si Charlie Tabao-ican Timpac, matapos magbenta ng 0.12 gramo ng shabu sa isang police poseur-buyer at lima pang plastic sachet ang narekober na may timbang na 0.81 gramo at may halagang P5,508.00.
Nasakote din si Marlon Santonia Pantoja, Top 10 Regional High Value Individual, matapos mahulihan ng shabu na may halagang P5,440.00 sa isinagawang buy-bust operation noong Pebrero 11.
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon