Benguet cops, namahagi ng regalo

LA TRINIDAD, Benguet – – Mahigit sa 400 katao, karamihan ay mga estudyante ang nakatanggap ng regalo mula sa Benguet Provincial Police Office sa kanilang proyektong “BPPO Gift Giving – Tunay na Diwa ng Pasko” sa bayan ng Itogon at Buguias.
Nabatid kay Police Colonel Elmer Ragay, provincial director, na ang pondo na ginamit sa outreach program ay bahagi ng kinita sa kanilang Benguet Adivay 2019 Funshoot activity noong Adivay 2019 celebration.
Aniya, malaki ang partisipasyon at suporta ni Benguet Governor Melchor Diclas sa activity at napagkaisahan na gamitin ang malilikom na pondo sa mga outreach gift giving program sa mga beneficiaries na mag-aaral.
Sa unang outreach program noong Disyembre 5 ay 96 learners at 8 guro mula sa Jose Opiles Petican, Barangay Tinongdan, Itogon, Benguet, samantalang noong Disyembre 10 ay 350 katao, na kinabibilangan ng 262 learners,10 guro,parents at BPATS ang niregaluhan mula sa Botoan Elementary School, Barangay Catlubing,Buguias,Benguet.
Ang mga benificiaries at tumanggap ng hygiene kit, umbrellas, lunchbox, snacks, tumblers, mugs at glasses). “Minabuti naming na ganito ang iregalo na magagamit pangaraw-araw, keysa sa laruan na hindi mapapakinabangan,” wika ni Ragay.
Ayon pa kay Ragay, malaki ang pasalamat niya kay Gov Diclas at sa mga Mayor ng lalawigan sa pagsuporta sa mga programa ng BPPO sa peace and order at sa mga proyekto para sa komunidad.
 
Zaldy Comanda/ABN
 

Amianan Balita Ngayon