BENGUET COPS PINARANGALAN NG PROVINCIAL GOVERNMENT

LA TRINDAD,Benguet – Pinarangalan ng pamahalaang panlalawigan ng Benguet, sa pangunguna ni Gov. Melchor Diclas, ang kahusayan ng Benguet Provincial Police Office, na nanalo ng mga parangal sa katatapos na pagdiriwang ng 27th Police Community Relations (PCR) Month na iginawad ng Police
Regional Police Office Cordillera. Personal na iniabot ni Diclas ang Plaque of Recognition sa tatlong opisyal ng Benguet PPO at tatlong unit nito sa isinagawang activity sa kapitolyo, noong Setyembre 27.

“Karangalan ng probinsya na nabigyan ng parangal ang ating kapulisan, na nagpapatunay ng kanilang
dedikasyon sa community service, peace and order at community relations,” ani Diclas. Nang ipagdiwang ang 27th PCR Month ng Hulyo, na may temang “Police and Community Relations Tungo sa Mapayapa, Maayos, at Maunlad na Lipunan”, pinarangalan ng PROCOR ang Benguet PPO na hinatulan bilang Outstanding Police Provincial Office, habang ang Benguet 2nd Provincial Mobile Force Company ay
hinatulan bilang Outstanding Provincial Mobile Force Company at ang at Buguias Municipal Police Station ay hinatulan bilang Outstanding Municipal Police Station.

Ang mga parangal ay natanggap ni Col. Damian Olsim, provincial director; Lt. Col. Benson Macli-ing, Force Commander, 2nd PMFC, at Maj. Jeremiah Benito, Chief of Police, Buguias MPS. Bilang pagkilala sa
kanilang napakahalagang suporta sa pagpapatupad ng mga kapansin-pansing programa, proyekto, at
aktibidad ng Police Community Affairs and Development (PCAD), si Lt.Col. Dominga Terrado, Chief, PCADU ay hinatulan bilang Outstanding PCAD Senior PCO para sa taong 2022, habang si PEMS
Enrique Camuyot ay hinatulan bilang Outstanding PCAD Senior PNCO at Non-Uniformed Personnel na si Lizafel Andaya ay hinatulan bilang Outstanding PCAD Non-Uniformed Personnel.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon