Masusing nag-usap sina Benguet Rep. Eric Go Yap at si Regional Director Estela Cariño ng Department of Education (Dep-Ed) Cordillera ang paghahanda sa darating na CARAA Meet na ang lalawigan ng Benguet ang host sa taong ito. Ipinaalam ni Carino kay Kongresman Yap na handa na ang mga pasilidad gaya ng Sports Complex , track and field oval , basketball at volleyball wooded court , subalit sinabi rin ni Director Carino na may kakulangan sa classroom na
gagamitin ng mga estudyante, ngunit aniya ito ay magagawan ng paraan. Ani Yap handa umanong tumulong ang kanyang tanggapan upang maging matagumpay ang darating na CARAA meet sa darating na Pebrero 23, 2025.
Photo by Office of Benguet Rep. Yap
March 22, 2025
March 22, 2025
March 22, 2025