Benguet hiniling ang palawig na ipamahagi ang natitirang 20% SAP

LA TRINIDAD, Benguet– Sinabi ng pamahalaang lalawigan dito noong Miyerkoles na ilang bayan ang humiling nga mabigyan sila ng palawig upang maipamahagi ang natitirang tulong sa social amelioration program (SAP).
Sa isinagawang Laging Handa virtual presser na pinangunahan ni Secretary Martin Andanar ng Presidential Communications Office (PCO), sinabi ni Governor Melchor Diclas na naabot na ng Benguet ang nasa 80 porsiyento sa distribusyon ng tulong pinansiyal ng pambansang gobyerno.
“Sa ngayon 70 to 80 percent na kami sa distribution ng SAP. Medyo nahihirapan lang kami dahil sa topograpiya ng aming probinsiya,” ani Diclas.
Sinabi niya na 119 barangay sa kabuuang 140 nakakalat sa 13 munisipalidad ay nakumpleto na ang pamamahagi ng pinansiyal na ayuda sa mga benepisaryo.
Sinabi niya na apat na bayan na lamang ang kailangan kumpletuhin ang kanilang pamamahagi, kung saan nahaharap sila sa hamon dahil sa baku-bakong lupain, liblib na mga lugar at kahirapan sap ag-validate ng pangalan ng mga benepisaryo.
Sinabi ni Diclas na sinabihan niya ang mayor ng kapitolyong bayan na La Trinidad, nagmiminang bayan ng Mankayan at Itogon gayundin ang Tuba na sumulat kay Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na hilingin ang isang pagpapalawig ng pamamahagi ng tulong na SAP.
Binigyan-pansin niya na isang barangay sa Tuba ay maaari lamang marating sa pagdaan sa La Union at Pangasinan at kinakailangan ang ilang oras ng paglalakad bago ito marating.
Totoo ito sa barangay sa Mankayan, mga sitio sa barangay Dalupirip sa Itogon, ani Diclas. “They are doing their best to finish [the distribution in time],” dagdag niya.
Sinabi ni Diclas na may puntirya ang Benguet na 71,000 benepisaryo, 11,000 dito ay benepisaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps). Bawat benepisaryo ay makatatanggap ng PhP5,500 sa ilalim ng SAP.
LA-DD-PNA/PMCJr-.ABN

Amianan Balita Ngayon