Benguet IPs, PMC hinimok ayusin ang di pagkakaunawaan sa Tailings Dam

LUNGSOD NG BAGUIO – Mariing hinimok ni Itogon Mayor Victorio Palangdan ang Itogon Indigenous Peoples Organization (IPO) at ang Philex Mining Corporation (PMC) na lubusang ayusin ang gusot na may kinalaman sa pagpapataas ng Tailings Dam Storage Facility 3 (TSF3) ng kompanya sa Padcal Mine Operations sa Tuba, Benguet. Sinabi ni Palangdan na ang pag-uusap at negosasyon ay ang pinakamabuti pa rin kapuwa para sa IPs at minero upang magkaroon ng pagkakaayos na paborable sa lahat ng stakeholders.
Naunang hiningi ng Itogon Indigenous Peoples Organization (IPO) na magsagawa ng isang Free Prior and Informed Consent (FPIC) bago itaas ng Philex ang tailing dams nito. Hiniling din nga IPs na maibigay sa kanila ang royalty fees at danyos mula sa mga operasyon ng minahan sa loob ng ancestral domain Itogon.
Tinukoy ni Palangdan na isang abogado Indigenous Peoples Rights Act (IPRA) na isinabatas upang ipatupad ang probisyon konstitusyunal na kumukilala at nagsusulong sa mga karapatan ng indigenous cultural communities (ICCs) at IPs. Sa ilalim ng batas na ito, ayon tinukoy ng Mayor na, “companies or corporations are mandated to comply with rules and regulations governing their operations within ancestral lands or domains of the IPs and to perform certain obligations that will promote the well being of the ICCs and the IPs.”
Idiniin ni Mayor Palangdan na ang hinihingi ng Itogon IPO para magsagawa ang PMC ng prosesong FPIC at ibigay sa mga IP ang nararapat at pantaypantay na bahagi sa uri ng royalty para sa extraction, exploitation, at utilization ng likas na yaman na nakuha sa ancestral domain “are rights vested by the Philippine Constitution”.
Tinukoy din niya ang nakaraang liham ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) Cordillera sa Mines and Geosciences Bureau (MGB) na nagsasabing “while permit already been given to PMC, the same does not preclude the affected ICCs/IPs of Itogon to negotiate and/or be paid royalty as mandated by law granting that the subject tenements are within their ancestral domain”.
Idinagdag ng NCIP na ang ICCs at IPs ay maaaring makuha ang kanilang karapatan na ipatigil ang mga proyekto, programa at mga aktibidad sa loob ng kanilang ancestral domain na hindi sumasailalim sa proseso ng FPIC.
Naunang hiniling ng NCIP-Cordllera sa 6 na malalaking kompanya na nag-ooperate sa Benguet, kasama ang Philex, na ipaliwanag kung bakit hindi sila nagbabayad ng royalties sa mga komunidad ng IP bilang mga host.
Nagbabala si Mayor Palangdan na ang negosasyon sa pagitan ng stakeholders ay maiiwasan ang anumang problema at iba pang epekto na maaaring pasanin ng kompanya at bayan ng Itogon sakaling magkaroon ng tensiyon bilang resulta ng matagal ng di-pagkakaunawaan.
Nangako ang Mayor na handa siyang isaayos ang dayalogo sa pagitan ng IPs at Pholex upang ayusin ang lahat.
(AAD/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon