Benguet tuloy-tuloy ang IEC upang masiguro ang tagumpay ng pagbabakuna

Provincial

LA TRINIDAD BENGUET – Sinabi ni Benguet Governor Melchor Diclas na itinutuloy nila na magsagawa ng information education campaigns (IEC) sa mga komunidad sa Benguet upang masiguro ang pagtanggap at kahanddan ng mga tao na magpabakuna laban sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) vaccination.

Si Diclas ay panauhin sa “Laging Handa” virtual briefing of the Presidential Communications Operations Office (PCOO) na pinangunahan ni PCOO Assistant Secretary for Global Media and Public Affairs JV Arcena noong Martes.

“At least sa ngayon, medyo nagbabago, accepted na sa mga taga Benguet pero kailangan pa rin po natin magpa-IEC sa kanila, para i-convince mga tao, para makamit natin na 90 percent ang mababakunahan dito sa Benguet,” aniya.

Sinabi niya na maraming tao sa probinsiya ang atubili na tumanggap ng bakuna dahil sa kakulangan sa impormasyon o mis-information.

“Ang ginagawa natin (what we do), we are coordinating with medical organizations like (the) Philippine Nurses Association, medical technologists to help in the IEC by relaying the effect of the vaccine so that it can help convince people,” aniya. Idinagdag niya na pumupunta sila sa mga barangay upang makakuha ng impormasyon mula sa mga health worker at marinig mula sa mga nagakunahan na ukol sa epekto ng bakuna.

“Yun po ang pwede natin gawin para mas marami ang mag-accept sa bakuna natin (that’s what we can do so that more will receive the vaccine),” ani Diclas. Sinabi ng governor na lumalapit sila sa mga senior citizen at mga may comorbidities upang maging handa ang pag-iisip nila kung makarating na ang mga bakuna na para sa kanila. Hanggang Abril 26, may kabuuang 37,446 healthcare workers, senior citizens at mga taong may comorbidities ang nabakunahan na sa probinsiya.

Mayroon ding 8,120 healthcare workers ang nakatyanggap na ng aknilang ikalawang dose ng bakuna.

Nakatanggap ang Cordillera ng 53,753 doses ng parehong Sinovac at AstraZeneca na mga bakuna. Iniulat ng Department of Health regional vaccination operations center na ang Cordillera ay may 84.98 percent vaccine utilization rate na Abra ang nangunguna sa 92.75 percent, Baguio City na may 90.42 percent, Benguet na may 90.15 percent, Apayao na 85.87 percent, Kalinga na 82.78 percent, 79.08 sa Mountain Province, habang Ifugao ang may pinakamababang utilization rate na amy 47.68 percent.

(LA-PNA/PMCJr.-ABN)