BFAR bumuo ng FARMC para tumutok sa mga isyu ng isda

Nais ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na mapahusay ang produksiyon ng isda sa rehiyon sa pagbuo nito ng Fisheries and Aquatic Resources Management Council (FARMC) sa bawat probinsiya upang magabayan ang mga mangingisda na lumikha ng kanilang mga plano at programa.
“FARMC will serve as a consultative body to the local government units (LGUs), especially in the areas where there are higher percentages of scarcity,” ani Milagros Morales, BFAR-Cordillera regional director sa ginawang Fisherfolk Assembly noong Enero 23.
Sa kasalukuyan ay nasa 13 porsiyento ang fish production level ng Cordillera na umaasa sila tataas at makamit ang fish sustainability.
Makikita sa tala ng BFAR na sa taong 2017 ay may produksiyon ang Cordillera na 1,151.12 metric tons (MT) ng iba’t-ibang uri ng isdang tubig-tabang. Nakapagtala ang Ifugao ng pinakamataas na produksiyon na 333.24 MT; Kalinga na 304.44 MT; Abra na may 245.38 MT; Apayao na may 155.59 MT; Benguet na may 105.40 MT; at Mountain Province na may pinakamababang produksiyon na 7.07 MT.
Ayon kay Morales, ang dahilan ng mababang produksiyon sa isda ay ang topograpiya ng rehiyon na isang napapalibutan ng mga bundok na may limitadong mga lugar sa produksiyon ng isda. Walang dagat ang rehiyong Cordillera na may mga ilog lamang at mga dam na posibleng mga lugar para sa produksiyon ng isda.
Ayon kay Morales ay dumalo sa nasabing assembly ang halos isang libong mangingisda at stakeholders mula sa iba’t ibang probinsiya na layong magbigay ng impormasyon, karunungan at kakayahan kung paanong mapapahusay ang produksiyon ng isda.
“The assembly focused on aquaculture practices that will address the challenges of quality and safety in fisheries products and efforts to increase the overall sustainability and productivity of fish farming communities,” ani Morales.
Sinabi ni Morales na sa ginawang assembly ay nalaman na isa pang kadahilanan na nakakaapekto sa produksiyon ay ang kakulangan ng karunungan ng mga mangingisda sa mga posibleng lugar para sa produksiyon, mga teknolohiya, gayundin ang pagiging di-organisado.
“To address their weaknesses there is really a need to create the FARMC that will help them create guidelines in sustaining their production,” aniya.
Sa mga asembleya ayon kay Morales ay nakakakuha sila ng inputs mula sa iba’t ibang asosasyon ng mga mangingisda para maisama sa kanilang mga plano at programa para tugunan ang problema.
Sinabi rin niya na ang nakagawiang pag-aani na wala sa oras ng isda ay nakakadagdag din sa mababang produksiyon ng rehiyon, na kung matutugunan ay mapapahusay ang suplay ng isda sa Cordillera.
“What is happening right now is that our harvesting is much faster than the time we produce the fish,” ani Morales.
Aniya, nakapagtala ang Cordillera ng 35 porsiyento ng pagkalugi dahil din sa post-harvest facilities at mga nakagawian.
“To address the losses of fish production which is at 35 percent, we will come up with an ice machine that will produce sufficient ice to maintain the freshness of the fish harvested until they reach the market,” ani Morales.
Ayon sa kaniya, sa pamamagitan ng FARMC ay umaasa silang makapagtatatag ng 18 pa na fish marts kung saan ang aning isda sa rehiyon ay dadalhin ng mga mangingisda at bibilhin ng publiko. Sa ngayon ay may 25,000 mangingisda ang nakarehistro sa rehiyon.
Ang bilang na ito ayon kay Morales ay nagpapakita na ang Cordillera ay hindi lamang sa produksiyon ng gulay kundi pakikipagsapalaran din sa aquaculture ay positibong pangkabuhayan.
Ang isda at produksiyon ng bigas ay maaaring magsama gamit ang teknolohiya sa fish-rice culture maliban sa posibilidad ng pagkakaroon ng vertical fish production areas sa mga taniman ng gulay, dagdag niya.
PMGeminiano, PNA/ PMCJ/ABN

Amianan Balita Ngayon