BFP-LA TRINIDAD PINAGHAHANDAAN ANG STRAWBERRY FESTIVAL CELEBRATION

LA TRINIDAD, Benguet

Ang Bureau of Fire Protection- La Trinidad ay handang pagsilbihan ang komunidad at mga residente sa mga sakunang maaaring mangyari anumang oras, lalong-lalo na sa nalalapit na
Strawberry Festival celebration. Napag-alaman na ang BFP-La Trinidad ay naatasan bilang Security and Crowd Control upang magabayan ang mga manonood, partikular na sa magaganap na Duting Tan Dukto at Strawberry Fun Run sa Marso 11 at pati na rin sa Street dancing parade, Mini Float Parade, at Drum & Lyre competition na magaganap naman sa Marso 18.

Ayon sa datos, nakapagtala ang BFP- La Trinidad ng dalawang insidente ng sunog noong Enero at
labing siyam na emergency medical responses sa komunidad. Sa kasalukuyan ay wala pang naitatalang kaso ng sunog at emergency responses na nangyari sa lugar. Napag-alaman din na ang
mga tauhan ng BFP-La Trinidad ay may araw-araw na aktibidad na tinatawag na “Back to Basic Program.” Ayon kay Fire Officer 2 Brail Taluyo, ng La Trinidad Fire Station, ang “Back to Basic
Program ay isang aktibidad para sa skill enhancement, physical fitness, at knowledge sharing. “May naka-set na certain hour for review time na kung saan tinuturuan namin ang bawat isa upang ma-enhance ung mga skills namin dahil magkakaiba kami ng kakayahan.

Halimbawa, kung naka assign kami sa ambulance ay hindi naman pwedeng doon lang kami, ”pahayag ni Taluyo. Aniya, mayroon silang shifting na may kanya-kanyang oras sila ng duty. “At kung sino ang naka duty sa oras na may emergency ay sila ang nakaatas upang rumespunde. Dahil dito ay nakatutulong ang kanilang Back to Basic Program upang maging flexible ang bawat isa at handa.” Dagdag pa niya, “In case of the big one ang preparation namin, meron tayong rescue truck na punong-puno ng gamit. In case naman sa sunog, meron naman tayong naka-set na 1st run to 4th run na fire trucks.”

“Sa ambulance naman meron tayong dalawa at kapag trauma incidents, itong bago ang ginagamit natin kasi mas kumpleto ang gamit. Kapag assistance naman, ung isang ambulance tsaka meron din tayong rescue vehicles (pick-up) na dalawa para incase na kailangan nating maglagay ng tali, mailalagay natin ung gamit doon,” dagdag pa ni Taluyo. Ayon pa sa kanya, mayroon din silang naka schedule na bible study at bible sharing na kasama rin sa Back to Basic Program tuwing Martes ala una ng hapon at Huwebes alas 8:00 ng umaga.

Franz Angielyn Olarte/UB-Intern/ ABN

Amianan Balita Ngayon