Binata, tinaga ng kuya sa Abra

Sugatan ang ulo at balikat ng isang 25 anyos na tricycle driver matapos itong tagain ng sarili nitong kuya dahil sa kalasingan noong Enero 31, 2017 sa Barangay Bascil-Dangdangla, Bangued, Abra.
Kinilala ang biktimang si Jomar Paligutan Vasquez, single, tricycle driver, habang ang suspek ay ang kuya nitong si Joel Paligutan Vasquez, 33 anyos, single, butcher, at pawang residente ng naturang lugar.
Sa inisyal na pagsusuri ng pulis ng Bangued, ang biktima at suspek ay nag-iinuman kasama ang isa pang lalaki nang magkaroon ng pagtatalo ang magkapatid. Pumasok ang suspek sa loob ng kanilang bahay at nang lumabas ay may dala itong palakol na ginamit nito sa pag-atake sa biktima.
Nagtamo ang biktima ng sugat sa ulo at kanang balikat. Agad itong dinala sa Abra Provincial Hospital upang magamot.
Ang suspek ay inaresto at dinala rin sa naturang ospital para sa medico legal examination bago dinala sa Bangued MPS.

Amianan Balita Ngayon