Inaresto ang isang binatilyo bandang 5:30 ng hapon ng Pebrero 15, 2017 sa Boted, Tawang, La Trinidad Benguet dahil sa kasong panggagahasa.
Kinilala ang lalaki na si Rubinson Madarang Quijencio, 18 anyos, tubong Palew, Tublay Benguet at kasalukuyang residente sa Tawang.
Nangyari ang sinasabing panggagahasa sa Shilan, La Trinidad Benguet.
Ang pag-aresto ay sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Marietta S. Brawner-Cualing ng RTC Branch 9, La Trinidad, Benguet. Hindi pinayagang magpiyansa ang suspek.
Samantala nasa kustodiya pa ng La Trinidad police station ang suspek habang hinihintay ang resulta ng kanyang medical examination. Aubrey Morales, UC Intern
February 18, 2017
February 18, 2017
February 9, 2025
January 26, 2025
January 26, 2025
January 26, 2025
January 18, 2025
January 12, 2025