BIR chief pinuri ang Panagbenga sa pagpapanatili ng kultura

LUNGSOD NG BAGUIO – Pinuri ni Bureau of Internal revenue (BIR) Commissioner Caesar Dulay ang mga residente sa kailang patuloy na pagpapanatili sa kultura ng rehiyon at pagbabahagi nito sa iba sa pamamagitan ng Pangabenga Festival.

“I believe that we should continue to nurture and to showcase these traditions, this culture, not only for today but for the future, for the benefit of the succeeding generations to come that they will never forget the culture, the traditions that we have as a people,” pahayag ni Dulay sa libong residente at turista sa Baguio Athletic Bowl matapos ang street dancing competition.

Ginunita niya ang kaniyang pagbibinata sa Benguet, na lumaki siya sa Lepanto Mines sa Mankayan kung saan nagtratrabaho noon ang kaniyang ama.

“I grew up with the mayor, watching the culture of the Cordilleras. It was nice to know that we have a lot of visitors from other countries because we are able to showcase our culture, our traditions and it is true, I might repeat, positive of the fact of the love of our people for this country,” ani Dulay, na siyang guest speaker sa taunang aktibidad.

Sinabi ni Dulay na ang festival ay isang pagtatanghal ng buhay at masayang kultura ng mga Cordilleran at ng tradisyon ng Pilipino sa kabuuan.

“What better evidence we have of this display of culture and tradition. What better proof of our nationalism, patriotism and love of country when we do not stop showing our culture and our traditions,” aniya.

Ang Panagbenga ay isang Kankanaey na salita na ang ibig sabihin ay “pamumulaklak”. Isa itong konsepto noong 1994 upang tulungan ang Baguio na makabangon sa matinding salanta dulot ng lindol noong 1990.

Ang Baguio flower festival ay produkto ng pagkakaisa at kooperasyon ng lahat ng sektor at isang maliwanag na patunay sa pagkakaroon ng public at private partnership para mapasigla ang ekonomiya ng lungsod.

Hinimok din ni Dulay ang mga residente na patuloy na panatilihin ang kalikasan, ang likas na atraksiyon at tahanang ipinagkaloob sa lungsod at Cordillera, na siyang dahilan kaya ang
Panagbenga ay umuunlad.

“The blessings that we have now, everything that we enjoy, all come from a supreme being whatever you call it- our creator and creator of all things,” aniya.

Ang grand street dancing parade ay isa sa dalawang pinakatampok na pagtatanghal sa taunang Panagbenga kasama ang Grand flower float parade noong Marso 3.

PNA/ABN

Amianan Balita Ngayon