BIR collection lumubo sa 2019

BAGUIO CITY – Nahigitan ng Bureau of Internal Revenue- Cordillera ang naging tax collection nila noong 2018 na P5.2 bilyon, na tumaas ng 5.34 percents o’ P6.4 bilyon noong 2019. Noong 2018 ang total tax collection ay P5,210,003,168.00 at lumobo ito ng P6,437,149,712.10, na may exceeding na P326, 584, 712.10.
Ang pagtaas ng koleksyon ay mula sa agresibong pagtratrabaho ng mga Revenue District Offices sa rehiyon ay labis na ikinasiya ni Regional Director Douglas Rufino, Si Rufino ay naibalik sa BIR Cordillera noong September 2019, matapos mailipat ito sa Pampanga noong 2018.
“Medyo negative o’ masyadong mababa ang koleksyon natin noong nadatnan ko,kaya naging agresibo ako sa tax collections sa loob ng tatlong buwan para malagpasan ang collection noong 2018,” pahayag ni Rufino.
Aniya, dahil sa peak season ay tinutukan niya ang mga tourist estabishments sa lungsod at kinausap ang mgaito para i-updated ang tamang pagbabayad ng tax sa ahensya.
“ Alam naman natin lahat ng mga tourist establishments, gaya ng hotels at restaurants, maliit man o’malak, ay i kumita sila sa peak season na dumagsa ang mga turista sa siyudad mula Okubre hanggang Disyembre”.
Ayon kay Rufino, walang dahilan para dayain pa ng negosyanteng taxpayer ang pagbabayan ng buwis sa panahon na malaki ang kinita ng kanyang negosyo.
Hinalimbawa ni Rufino na noong panahon ng tag-ulan ay nagbabayad lamang ng buwanang buwis na P100 ay pinapaboran ito ng BIR, pero hindi sa panahon ng peak season.
Ayon pa kay Rufino, mas lalo nilang bubusisiin ang mga mga small at big businesses, maging sa individual sa pagpa-file nila ng taxes ngayong Enero 2020.
Labis din niyang pinasalamatan ang mga business establisthment na tumalima sa tamang pagbabayad ng buwis noong nakaraang taon at nakalikom ng mataas na koleksyon ang gobyerno.
Pinasalamatan din nito ang mga district officer na patuloy na tumututok sa kanilang nasasakupan para mapalago ang tax collection.
 
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon