Blended na kasiyahan nakikita sa Panagbenga 2021

LUNGSOD NG BAGUIO – Maipagdiriwang pa rin ang Panagbenga 2021, subalit hindi na makakapag-anyaya ng maraming tao, kundi blended nang pagdaraos
Ang kamakailang Ibagiw Creative festival ay nagsisilbi bilang isang benchmark para sa pagtatanghal ng kaparehong humahakot ng tao na aktibidad sa lungsod sa hinaharap, gaya ng isang-buwag Panagbenga sa Pebrero, na nasa ika-26 taon na, ani Baguio City Tourism Officer Engr. Aloysius C. Mapalo.
Inaamin na habang wala pang nakahandang bakuna kontra Coronavirus Disease (COVID-19) 2019, magkakaroon ng limitasyon sa pagsasagawa ng malalaking aktibidad na umaakit ng maraming tao gaya ng paghahalo sa virtual at face-to- face na pagtitipon habang sumusunod sa health at safety protocols.
Ang Panagbenga lalo na ang kambal nitong tampok na Street Dancing at Hlower Float na mga parada ay humahakot ng mga nakikisaya na nasa isang milyon. Mahigpit na makikipagugayan ang local na gobyerno ng Baguio sa pribadong Baguio Flower Festival Foundation, Inc. (BFFFI) uapng makuha ang kaisipan kung paano isasagwa nag ika-26 edisyon ng Panagbenga festival, ang pangunahing humahakot ng tao na aktibidad sa lungsod.
Nakansela ang kambal na parade noong nakaraang taon dahil sab anta ng COVID-19. Ipinaliwanag ni Mapalo na ang planong blended na pagdaraos ng Pnagbenga ay bahagi ng pagpupursige ng pamahalaang lungsod na unti-unti at ligtas na ibalik ang sigla ng lokal na ekonomiya na matinding naapektuhan dahil sa mga panuntunan ng community quarantine sa loob ng walong buwan.
Sinabi ni Mapalo na ang kamakailang pagtatanghal ng Ibagiw Creative Arts festival noong Nobyembre ay nagpakita ng magandang pagtugon sa pagtatanghal g aktibidad na hindi hahakot ng napakaraming tao sa iang face-to-face setting kundi mararating ang buong mundo sa pamamagitan ng live streaming.
Ang Panagbenga lamang ang pista sa bansa na ibinilang sa piling listahan ng International Festivals and Events Association bilang isa sa well-organized crowd drawing events.
AAD-PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon