Blood galloners club, pinarangalan ng Red Cross

Aug 27, 2017

Kinilala ng Philippine Red Cross Baguio City Chapter ang mga miyembro at partners ng Blood Galloners Club sa kanilang patuloy na pag-ambag ng dugo na maging daan para sa pagsalba at madugtungan ang buhay ng mga taong nangangailangan ng dugo.

Kinilala at nabigyan ng parangal ang bawat kompanya, institusyon, grupo, indibidwal at maging sa mga nakipagkaisang chapter barangay na kabilang sa Blood Galloners Club.

Panauhing pandangal at pinangunahan ni Mayor Mauricio G. Domogan ang pagbibigay ng awards kasama si Red Cross Baguio City Chapter chairman Erdolfo Balajadia na naunang nabigyan ng scroll of honor award ang Rotary Club of Downtown Session na tinanggap ni president Orly Tadeo na sa apat na taon nitong serbisyo ay nakapagbigay ng 256 units.

Tumanggap naman ng Diploma Service Award ang Health Services Office-Baguio Health Department ni BHD head Dr. Rowena P. Galpo sa serbisyong apat na taon at nakaambag ng 129 units, ang New Media Services PTY. LTD ni CEO Rafael D. Nacionales Jr. sa apat na taon at nakapag-ambag ng 105 units, World Mission Society Church of God ni Overseer Koo Min Ho na may tatlong taon at nag-ambag ng 196 units, ang Baguio City National High School ni Principal IV Romulo Flora, ang Lex Libertatis ni president Flynn Strauss D. Damian na may tatlong taong serbisyo at nakaambag ng 188 units.

Tumanggap ng Certificate of Appreciation ang Metrobank Purple Hearts Baguio ni president Annie Ledda na may pitong taon na serbisyo at nakaambag ng 193 units, City Disaster Risk Reduction and Management Council ni CDRRMC chief Yolanda A. Munar na apat na taong serbisyo at 56 units at ang PNP Cordillera Administrative Region Training Center ni Regional Training director PSUPT. Pergentino N. Malabed sa tatlong taong serbisyo at naka-ambag ng 71 units.

Ang mga chapter barangays ay nabigyan rin ng certificate of appreciation ay kinabibilangan ng Sanitary Camp, Quezon Hill, Fairview, Gibraltar, West Modernsite, East Modernsite, Lourdes Extension, Pinsao Pilot, Sta. Escolastica, Palma Urbano, Padre Zamora, MRR-Queen of Peace at ang bloodiest barangay ay ang Irisan.

Patuloy pa rin ang pag-aambag ng mga Hall of Famer na nabigyan rin ng parangal. Nauna ang Saint Louis Univeristy na 15 taon na sa serbisyo at nakakolekta ng 4,595 units. Pangalawa ang University of Baguio na 19 taon na sa serbisyo at nakakolekta ng 2,660 units, pangatlo ang Philippine Military Academy na 35 taon na sa serbisyo at nakapag-ambag ng 2,313 units. Sumunod ang Bombo Radyo Phils. (Bombo Radyo & Star FM Baguio) na 14 taon na sa serbisyo at nakakolekta ng 1,900 units at ang pang-lima ay ang University of the Cordilleras na 15 taon na sa serbisyo at naka-ambag ng 1,527 units.

Sinabi ni Red Cross Baguio City Chapter Donor Recruitment Officer Jennelyn M. Terre, “patuloy pa rin kaming tumatanggap sa mga gustong magdonate ng kanilang dugo, ngunit tinitingnan rin namin o tsine-check ang basic requirements namin na masuri ang kanilang blood pressure na dapat ay hindi high blood, walang sakit sa puso, walang ubo at sipon, hindi nakainom ng alak, dapat nasa timbang na 50 kilograms and above at 18 years old and above. Sa isang tao ay hanggang sa 450cc namin kinukuhanan sa lahat ng blood type at kailangan ay nakapag-take ka ng meals bago magpakuha ng dugo,” ani Terre. ABN

RELATED POSTS

TECHIE TAHO VENDOR

TECHIE TAHO VENDOR

"QR Lang po sa umaga”-Baguio City is the first local government unit to adoptthe program co-developed by the Bangko Sentral ng Pilipinas...

FREE DEWORMING AND VITAMINS

FREE DEWORMING AND VITAMINS

was given to horses at Wright Park and Camp John Hay last September 27 and 29, 2022 as part of our Animal Diseases Prevention and Control...

INSPECTION AND MONITORING

INSPECTION AND MONITORING

Acting City Mayor- Faustino A. Olowan inspects recently City Camp Lagoon ,Lower Rock Quarry September 26,2022 caused by Typhoon Karding...

LATEST NEWS

BAGUIO MARKET EMPLOYEES SUED IN “KWARTAIS” SCANDAL HIKES TO 14

BAGUIO CITY - Three more employees of the Baguio City government assigned at the public market as collectors of arrival fees or ‘kwartais’ were charged with malversation with falsification of public documents and falsification by public officers, jumping to 14 sued in...

TUBA 7TH AVA FESTIVAL

TUBA 7TH AVA FESTIVAL

Adding-attractions to One Town, One Product (OTOP), Mayor Clarita Sal-ongan and indigenous farmers proudly show locally grown ava (taro) product during the opening of the festival held on Sept 26 at the municipal grounds. Tuba officials show unity promoting the...

ZERO BACKLOG ITI KASKASO TI AGRARIO MATAGINAYON ITI DAR ILOCOS

SIUDAD ITI LAOAG – Matagtaginayon iti Department of Agrarian Reform (DAR) iti zero backlog nga estado iti panangipatungpal ti linteg kadagiti kaskaso iti agrario agingga iti maikatlo a kakapat iti daytoy a tawen. Ipatpatungpal ti ahensia iti zero backlog kadagiti...

GREYHOUND OPERATION

GREYHOUND OPERATION

Nagsagawa ng greyhound operation ang iba’t ibang ahensya at gamit ang sniffing dog para alamin kung itinatagong illegal na droga ang mga Persons Deprive of Liberty (PDL) sa loob ng Baguio City Jail Male Dorm. Walang nakitang droga o pharaphernalia at negatibo din sa...

APAT SUSPEK NADAKIP SA PAGPATAY SA LGBTQ TEACHER SA ABRA

APAT SUSPEK NADAKIP SA PAGPATAY SA LGBTQ TEACHER SA ABRA

Motibo: Land dispute BANGUED, Abra – Natukoy at nadakip na ng pulisya ang apat na suspek na pumatay sa isang guro sa high school na miyembro ng Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, and Queer (LGBTQ) community,sa isinagawang hot pursuit operation,matapos ang krimen...

LOCAL FARMERS CHALLENGED TO PRODUCE ORGANIC PRODUCTS

Tuba’s 7th Ava Festival TUBA, Benguet –Farmers in this town were encouraged to practice organic farming in order to boost and strengthened soil fertility and health benefits of agricultural products. Mayor Clarita Sal-ongan made the call during the Sept. 26 “Kapihan”...

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest