BLUE-MING LAKE, PATOK NGAYON SA BAGUIO

BAGUIO CITY

Dumadagsa ngayon ang mga boat lovers para matunghayan ang pagiging Blue-ming ng Burnham Lake,matapos gamitan ng mala-tsokolateng tubig ng bacteria-based probiotics sa paglilinis ng lake,
na isang organic at ligtas para sa mga isda at mga indibidwal. Sa pagiging kulay asul ng tubing
ng lake ay maraming turista at residente ang namangha at natuwa sa pinagandang Burnham Lake.
Ang programang tinaguriang “Blueming Lake Grand Reveal” ay pinasinayaan noong Pebrero 14.

Ang pinagandang Burnham Lake ay nmalinis at maaliwalas ngayon kumpara sa dati nitong malatsokolateng kulay. Ayon kay Attorney Renan Diwas, chief ng City Environment and Parks
Management Office (CEPMO), na walang dapat ikabahala ang publiko, dahil isang organiko ang kanilang ipinakikilalang biotechnology na isang water treatment na may aesthetic rendering sa ibabaw ng kilalang Burnham Lake.

“Sa proseso ng paglalapat, ang pamumulaklak ng algal ay naaalis kasama ng nakakasama nitong amoy at maputik na kulay na dulot ng nabubulok na algae. Nagiging malinaw ang tubig. Ang bacteria-based na probiotic na ito ay patuloy na nagpapahusay sa kalidad ng tubig sa pamamagitan ng pagpapabuti ng mga antas ng Biological Oxidation Demand (BOD) nito sa kalidad at mga
antas ng pagpasa ng regulasyon.

At siyempre, sa kanyang asul na kulay, tiyak na nagbibigay ito ng isang aesthetic na halaga sa ibabaw,’ paliwanag ni Diwas. Aniya, “We don’t need to remind people actually na maging madisiplina, we have to show them. We have to show sa mga tao na may ginagawa tayo, na iniimprove natin, na minemaintain natin, for sure mag-iiba nag attitude ng mga tao on how they treat our environment.”

Ang pagpapaganda ay isang kolektibong inisyatiba ng Greener Property and Leisure Management Office, Baguio Tourism Office, Department of Tourism, Mega Tower, at Baguio Tourism Council. Sa panayam naman kay Louie Macadangdang, empleyado ng Swan Boat sa Burnham Lake, “positive
naman po ang outcome at malaking tulong po yun na imulat ng community natin sa mga steps na ginagawa ng government para sa commitment po natin sa government.”

Natuwa naman si Sally, isang turista na sa kaniyang pagbabalik ng Baguio na agaw pansin sa kanya ang pagbabago sa Burnham Lake. “Naging kulay dagat ang tubig, at mas naging kapansin-pansin
ang mga isda sa lawa.”

Chasetine Glad Banig/UB Intern/ ABN

Amianan Balita Ngayon