Bocap kinasuhan ng paglabag sa health protocols

LA TRINIDAD, Benguet – Nahaharap ngayon ang isang Barangay Captain sa kasong paglabag sa Republic Act 11332, known as “Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act” kaugnay sa pagdalo nito sa isang wedding celebration sa kanyang barangay.
Ayon kay Regional Information Officer Capt.Marnie Abellanida, ng Police Regional Office-Cordillera, ang kakasuhan ay si Punong Barangay Bobby Daquioag, 52, ng Barangay San Mariano, Sta Marcela, Apayao.
Ayon kay Abellanida noong Hunyo 7, 2021,nakatanggap ng tawag ang Sta Marcela MPS mula kay Sta Marcela Mayor Evelyn Martinez, para ipaalam ang reklamo sa paglabag sa RA 11332 sa naganap na wedding celebration sa bahay ni Eddie Corpuz sa Barangay San Mariano noong Mayo 28, 2021.
Ayon sa pulisya, nagsumite si Mayor Martinez ng mga litrato na nagpapakitang lumabag sa health protocols ang mga dumalo sa okasyon, na dikitdikit at ang iba ay walang face mask.
Sa imbestigasyon ng pulisya,kinumpirma ng mga nakasaksi ang paglabag sa standard health protocols sa okasyon na dinaluhan mismo ni PB Daquioag.
Ayon kay Mayor Martinez, hindi siya nag-isyu ng anumang clearance o’ permit para sa wedding celebration,dahil ang Apayso ay under Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).
Aniya, pinayagan umano ni PB Daquioag ang selebrasyon na walang kaukulang permit o’ koordinasyon sa munisipyo sa kabila ng kanyang kaalaman na nahigpit ang pagpapatupad ng kasalukuyang quarantine classification.
Sa ilalim ng Executive Order No. 18 series of 2021 ng Provincial Governor of Apayao, na ang lalawigan ay isinailalim sa MECQ classification mula Mayo 10-31, 2021 ay ito extended hanggang Hunyo 15, 2021, na ibig sabihin na bawal ang anumang gathering sa labas ng bahay.
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon