BOXER NG KAPANGAN, NAGWAGI NG GOLD MEDAL

LA TRINIDAD, Benguet

Ipinagmamalaki ng mga taga-Kapangan,Benguet ang kanilang naging pambato sa naganap na Provincial Meet, noong Abril 4, matapos makasungkit ng gold medal si Gomez Tilao,Jr., sa larangan ng boxing. Ang 15 taong gulang na si Gomez Jr. ang lumaban at humarap sa boxing ng dalawang beses at dalawang beses din nanalo. Unang hinarap nito ang labanan sa La Trinidad noong Abril 3 at sumunod sa Itogon, noong abril 4.

“First pressure, ngem no ada kan inside the ring maikat” ayon kay Gomez Jr., na kaunaunahang sport competition na kanyang sinalihan. Sa kalahatang 6 na gold medal ay dalawang beses
nanalo si Gomez Jr., sa tulong kanyang trainer na si Allan Santiago. Nagka- interest si Gomez Jr.
sa boxing na nagpakita ng kanyang talento sa at maenhance ang kanyang selfdefence skill, isa din itong interest na gusto niyang siyasatin.

Muling makikita muli ang kanyang husay sa magaganap na Cordillera Administrative Region Athletic Association (CARAA) at magkakaroon siya ng todo ensayo upang paghandaan ang kanyang
susunod na laban. “Masaya, kasi nakapasok ako sa CARAA tapos maexperience ko ulit maki-boxing
,tapos may silbi yong pinaghirapang training” dagdag pa niya.

Francis Jay Alipio-UB Intern/ABN

Amianan Balita Ngayon