Brgy kapitan at live-in partner, binaril sa llocos Sur

Isang barangay chairman at kanyang live-in partner ang kasalukuyang nakikipaglaban para sa kanilang buhay sa ospital matapos silang barilin ng assassin sa barangay Casili, Sto. Domingo sa lalawigan ng Ilocos Sur.
Si Barangay Poro, Magsingal chairman Angelito Torricer, 57, at live-in partner na si Mary Ann Raquel, 35, ay nasa intensive care unit ng isang hindi na pinangalanang ospital matapos inambush ang mga ito ng motorcycle-riding assassin sa highway.
Ang kapitan at partner nito ay nakasakay din sa motorsiklo nang pinagbabaril ang mga ito ng hindi pa makilalang suspek gamit ang caliber 45.
Tatlong basyo ng bala ng caliber 45 ang nakita sa pinangyarihan ng krimen.
Bagaman hindi malaman ang motibo ay sinabi ng kapulisan na posibleng makilala ang suspek.
Samantala, selos naman ang tinitignang motibo ng pagpatay sa isang pizza parlor manager sa Zone 5, Bantay, Ilocos Sur.
Ang Shakeys store manager na si Keith Doon, 29, ng Brgy. Poblacion, San Vicente town, ay naiulat na binaril nang malapitan sa Shakeys-Bantay branch ng suspek na nakilalang si Leo Ubilas, 32, ng Patong, Magsingal, Ilocos Sur.
Si Doon ay nakatayo sa counter ng pizza parlor nang dumating si Ubilas at binaril ito bago agad na tumakas papuntang kitchen at wash area ng pizza parlor.
Kahit na sugatan ay sinubukang habulin ni Doon si Ubilas. Ang asawa ng manager na si Richelle, isa ring crew ng Shakeys, ay nagtangkang pigilan ang pagtakas ni Ubilas ngunit nabigo ito.
Nang maubusan ng bala si Ubilas ay pinagtulungan ito ng mga empleyado at pinasuko.
Ang biktima ay nagtamo ng tama ng bala sa kanyang dibdib at tadyang na humantong sa pagkamatay nito.
Paniwala ng pulis na gumamit si Ubilas ng caliber 38 revolver base sa basyo ng bala na natagpuan sa crime scene. Ace Alegre

Police Patrol

AMIANAN POLICE PATROL

Amianan Balita Ngayon