“Bukod-tanging Husay Ni Chavit Sa Pulitka”

Bukod-tangi ang husay ni “Gov. Chavit Singson” sa pulitika. Sa “charisma”, walang katulad.

Sa hatak samasa, lalongwalang katumbas sa pagyakap ng tao, lalo na ang masa sa kanya, sa kabila ng mga isyung binabato sa deka-dekadang panunungkulan sa national at lokal na pamamahala.

Kamakailan aynanumpa si Chavit sa Nationalist Peoples Coalition (NPC), na ayon sa partido, ay higit na magpapalakas sa lapiang itinatag ni dating Ambassador Danding Cojuangco.

Lalo na sa Ilocos Region kung saan napaka-impluwensya nito sa regional at lokal na pag-inog ng hindi lamang sa eleksyon kundi sa buong ikot ng pampulitikang buhay ng mga Ilocano.

Pinapatotoo nito ni Senate President Vicente Sotto III, na taga pangulo ng NPC, na palalakasin ni Chavit ang kanilang lapian ilang buwan bago angMay 11, 2022 dahil bukod sa bukod-tanging “political kingpin” si “Gov. Chavit”, siya rin ang napakahusay na tagapangulo ng League of Municipalities of the Philippines (LMP). Mabigat talaga!

Kung ang panunumpa ni Chavit sa NPC ay pagpalakas ng partido sa mga probinsya, lalo na sa Northern Luzon, ano ang ibig ipahiwatig nito?

Nagpapalakas na nga ba ang NPC para sa pagtakbo ni Tito Sen bilang Bise? Sino ang standard bearer ng NPC? Si Sen. Ping na close ally ni Sotto? Pwede, dahil tinanggihan ni Ping ang 1Sambayan at hindi rin naman siya kinokonsiderang oposisyon.

Ano rin ang kahulugan ng “political maneuver” ni Chavit sa lokal nyang partidong “Bileg” na nakipag-alyansa noong nakaraang eleksyon sa Hugpong ng Pagbabago (HnP) ni Davao Mayor Sarah Duterte?

Ang nakakabahala sa “political alignments” sa Ilocos Sur ay ang posibleng pagbabalik ni Chavit sa pagka- Gobernador ng mahal nyang probinsya mula sa first term bilang Mayor ng Narvacan.

Iba ang nasa dulo ng dila ni NPC Pres. Sotto nung sambitin nyang “Singson may either seek reelection as Narvacan mayor or run for governor in 2022”. Ni hindiman talaga siya tinatawag naMayor Chavit, kundiGovChavit pa rin!

Tiyak naman na kahit saan tumakbong posisyon si Chavit, dahil sa angking “charisma” lalo na sa masa at nanatiling “loyalty” ng mga dati at kasalukuyang lider ng Ilocos Sur sa kanya, hindi pa naipapanganak ang tatalo dito.

Amianan Balita Ngayon