Bulacan bloodiest killing field ng PH-Amnesty International

Binansagan ngayon ng London base group na Amnesty International ang lalawigan ng Bulacan bilang Bloodiest killing field ng Pilipinas,  matapos na maitala ang maraming bilang ng drug-related killings.
Ayon kay Butch Olano,  Amnesty International Philippine Section Director, lumabas sa kanilang isinagawang pag-aaral at inilabas na report ay nagpapatuloy parin ang hindi makatarungan patayan simula pa noong 2016 ng maupo sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.
Kaya hinimok nito ang Office  of the Ombusdman at Department of Justice (DOJ) na tignan kung may Posibleng paglabag ang mga law enforcement official sa kampanya kontra iligal na droga, para matukoy kung mayroon o walang paglabag ang mga awtoridad sa naturang kampanya.
Karamihan din umanong naging Police Commanders sa Bulacan ay galing sa Metro Manila kung saan ay dati ng nasakot sa pang aabuso sa kanilang operasyon kontra droga.
 
Gaya na lamang ni dating Caloocan City  Chief of Police  P/COL Chito Bersaluna na ngayon ay provincial Director na ng Bulacan, kung saan noong siya kasalukuyang hepe ng Caloocan Police ay namatay ang menor-de-dad na biktima na si Kian Loyd Delos Santos at pagkaka convict ng tatlong police officer na sangkot sa krimen.
 
Dagdag pa sa latest report released ng grupo na pinamagatan “They Just Kill: Ongoing Extrajudicial Executions and Other Violations In The Philippines’ ‘War on Drugs’,”  na may 20 incidents ng drug-related killings sa Bulacan mula  May hanggan April, na  27 ang namatay na lungsod saan ay 18 dito ay patungkol sa police operations.
 
Na karamihan umanong biktima na inaaresto ay mga pawang mga mahihirap, walang laban, pinapasok ang kanilang tahanan, kinukulong  o kaya ay dinudukot saka sasabihin napatay ito dahil nanlanban na matatagpuan na lamang malamig na bangkay sa langsangan at nakuhanan ng awtoridad ng ebensiya kontra sa mga biktima.
 
“This report provides further indication that these extrajudicial executions, murders, unlawful killings, assaults and unlawful detentions have been committed in the furtherance of a governmental policy to direct an attack against, at least, a part of the civilian population. These acts should therefore be investigated as possible crimes against humanity,” ayon sa Amnesty International.
 
Samantala, ikinalungkot naman ni Bulacan Governor Daniel Fernando ang pagtawag ng Amnesty International sa kanilang probinsya bilang “bloodiest killing field” sa giyera kontra droga ng Duterte administration.
“Nakakalungkot isipin na matagurian ang Bulacan bilang ‘bloodiest killing field’ kung saan marami sa ating mga kababayan ang nasawi sa war on drugs. Maraming kadahilanan kung bakit nangyayari ito, at tayo ay tiyak na sumusuporta sa laban kontra droga, gayunpaman nananatiling prayoridad ang pagtitiyak sa kaligtasan ng atin nasasakupan
“Ako ay naniniwala na sa ating paghahangad ng kapayapaan ay dapat una ang pagtiyak sa kaligtasan ng ating mamamayan pagtutuunan ang mga sanhi at ugat ng krimininalidad para makamit natin ang tunay at pangmatagalang kapayapaan at dapat bigyan ng pansin kung mayroong naging paglabag sa karapatang pantao,” wika ni Fernando.
Sa pahayag naman ni Bulacan Provincial Police Director, P/Col. Chito Bersaluna, iniiwasan ng mga pulis ang anumang uri ng karahasan tuwing nagsasagawa sila ng operasyon.
Iimbestigahan din aniya ng pulisya ang anumang pagkakamali sa kanilang hanay, sang-ayon sa nakasaad sa batas.
 
by: Francis Soriano

Amianan Balita Ngayon