Buntis na babae, nasagasaan

LUNGSOD NG BAGUIO – Nasagasaan ang isang buntis na babae bandang 8:40pm ng Oktubre 31, 2018 sa kahabaan ng Camp 7, Kennon Road, Baguio City.
Kinilala ang biktimang si Elvira Kimmayong Pitok, 33 anyos, limang buwang buntis at residente ng Apugan, Loakan, Baguio City samantalang ang suspek ay kinilalang si Ian Sito Angway, 33 anyos, driver ng Mitsubishi Pajero wagon na may plakang RAJ 475 at residente ng Poliwes, Baguio City.
Napag-alaman na tumatawid ang biktima sa nasabing lugar nang aksidenteng masagasaan ni Angway. Nang masagasaan, tinulungan nina Angway at live in partner ng biktima na si Digno Asmaramoza Gamiken, upang agad na madala sa BGHMC para sa agarang lunas. Nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima at na-confine para sa mas higit pang paggamot at obserbasyon.
Sumunod ang mga rumespondeng traffic accident investigator sa mga sangkot na partido sa BGHMC, kinapanayam ang biktima at drayber, kinumpiska ang driver’s license kasama ang OR/CR at binigyan ng traffic citation ticket ang driver para sa reference at evidentiary purposes.

Amianan Balita Ngayon