BUWAN NG KABABAIHAN IPINAGDIRIWANG SA BAGUIO

BAGUIO CITY

Opisyal na binuksan ni City Councilor Elmer Datuin, chairman ng social services, Women and Urban poor, ang
pagdiriwang ng Women’s Month sa Baguio City, noong Marso 3. Ang buwan ng Marso ay idineklara bilang Women’s
month sa ilalim ng Presidential Proclamation 224 at 227 series ng 1998, at Republic Act 6949 series ng 1990. Ang Marso 8 naman ay itinalaga bilang Pambansang Araw ng Kababaihan. Ang temang “Babae sa Lahat ng Sektor, Aangat ang Bukas sa Bagong Pilipinas” ay inihayag ni Datuin, ang pagkilala sa lakas, pagtitiis, at kahusayan ng mga kababaihan.

Ito ay nagsilbing paanyaya sa lahat upang kilalanin ang mahalagang kontribusyon ng kababaihan sa iba’t ibang sektor ng lipunan. “We just don’t observe, we celebrate” ayon kay Datuin, habang binibigyang-diin ang kahalagahan ng pagdiriwang. Sa buong buwan, maraming mga kaganapan ang isasagawa upang bigyang-pansin ang iba’t ibang papel at tagumpay ng kababaihan sa Baguio City. Layunin ng mga ito na lumikha ng mga espasyo para sa pagdiriwang, at upang palakihin ang mga tinig ng kababaihan mula sa iba’t ibang antas ng lipunan. Sa pahayag ni Datuin, “Let us walk together to create a city of Baguio where every woman feels valued, respected and empowered”.
Ang pagdiriwang na ito ay hindi lamang isang selebrasyon, kundi isang pagkilos tungo sa isang lipunang tunay na
pantay-pantay at inklusibo para sa lahat.

Jhawe Saldaen/UB-Intern

Amianan Balita Ngayon