BAGUIO CITY
Dahil sa kakulangan ng sapat ng pagkukunan ng malinis at sapat na tubig upang itustos sa mga konsyumer ng lunsod ng Baguio at sa Bayan ng La Trinidad ay nagkaisang magtulungan ang tanggapan ng Baguio Water District at ang La Trinidad Water District upang magkabalikat nilang isagawa ang “water exploration” sa mga lugar sa kanilang mga nasasakupan.
Sa isinagawang Kapihan sa Bagong Pilipinas ay mariing sinabi ni Engr. Salvador Royeca General Manager ng BWD na “Our exploration and drilling, aside from looking for other water sources, are continuing because we see an increasing demand for water in the household and commercial level brought about by the increase in population and tourism activities” Ani Royeca sa darating na taong 2025 ay tinatayang aabot sa 10 percent ang itataas ng populasyon sa Lunsod ng Baguio na kung saan ay lubhang magkakaroon ng problema sa tubig ang lunsod.
Paliwanag pa ni Royeca na “This is an estimate and we projected it to be per year that is why we are exerting effort to
increase the supply. For tourism which is not easy to estimate, we can see that Baguio is continuously a favorite
destination and an event venue that requires water,” Sa kayang paliwanag aniya maglo-loan ang BWD ng P500 milyon mula sa Development Bank of the Philippines upang pondohan ang proyektong ito.
Sa kasalukuyan ay may limang water supply augmentation at expansion ang BWD na may total length na 5,965 metro sa may Asin Road sa bandang Marcos Highway, Sariling Sikap sa San Carlos Heights, Balacbac sa Sto. Tomas, at Bacbacan-Asin na kung saan ay nakumpleto ang mga proyektong noong buwan ng Enero hanggang Oktubre sa taong 2024 na nagkakahalaga ng P64.59 milyon. Sa ngayon ay may mga ongoing na mga proyekto sa may the Barangay Irisan pumping station na aabot hanggang sa upland Barangay Quezon Hill, na may upsize na mga tubo na gagamitin sa distribosyon sa linya sa Lower Pinget at sa Upper Fairview.
Samantalang malalaking tubo naman ang ilalagay sa Purok 12 sa barangay Irisan na may haba na 3,842 metro na nagkakahalaga ng P47.59 milyon. Sa taong 2025 naman ay sisimulan na nila ang mga paglalagay ng “upzise “ na mga pipe sa limang lugar sa lunsod na isasagawa sa buwan ng tag-init. Ito ay ang mga lugar ng Loakan APugan, Bakakekng Norte, IrisVillle Purok 2 at sa barangay Irisan. Samantala sa bayan ng La Trinidad ay naghahanap din sila ng iba pang lugar na pagkukunan ng malinis na tubig at karagdagan na suplay nito dahil na rin sa pagtaas ng populasyon sa bayang ito.
Ayon kay Jancel Burgos, La Trinidad Water District (LTWD) tanging 13 barangay lamang ang kanilang nabibigayn ng tubig sa kabuuang 16 na barangay ng bayang ito na umaabot sa said 390.975 cubic meter kada buwan sa 19,769 na konsyumer ng LTWD . Sinabi ni Burgos na sa ngayon ay mayroon silang ilang mga development project kasama na rito ang Sarol deepwell sa Barangay Balili, isang deepwell sa Barangay Cruz, at ilang pipe installation sa barangay Bahjong . Nagpahayag din ng parehas na saloobin sina Royeca at Burgos hinggil sa pangangalaga ng mga forest areas sa kanilang mga nasasakupan na kailanga na bantayan ang mga forest water reserve upang mayroong pagkukunan ng malinis na tubig para sa mga mamamayan.
(Liza Agoot/PNA)
December 8, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024