Candy Festival sa Baguio, pinagpaplanuhan

Feb 24, 2018

Pinaplano ng Baguio Filipino-Chinese Community na magkaroon ng Candy Festival na maaring maging bahagi ng taunang selebrasyon ng Chinese New Year.
Sa katatapos lamang na selebrasyon ng Chinese New Year ay ipinagdiwang ang pagkakaisa at pagsalubong ng isang manigong bagong taon kasama ang pagsagawa ng tradisyunal na dragon dance na nagpapakita ng kultura ng mga Chinese.
Ayon kay Spring Festival Executive Committee Chair Peter Ng, nanggaling ang idea ng Candy Festival sa kaibigan niyang nagtatanong kung kailan ang Candy Festival. “I told him what candy festival are you talking about? It’s Spring Festival. But it gave me an idea, why not?”
Dagdag pa niya dito na magandang maging side event ito ng Spring Festival na idinadaos taon-taon para magkaroon ng highlight ang Chinese Spring Festival.
Naging isang kagawian na rin tuwing Chinese New Year ang paghahagis ng candy sa parada na nagsisimbulo ng swerte ayon sa mga Chinese feng sui experts. Ito na rin ang magiging symbolo ng pinaplanong Candy Festival.
Pinuri naman ni Mayor Mauricio Domogan ang Baguio Filipino-Chinese Community sa patuloy na pagsasagawa ng pagdiriwang ng Spring Festival tradition sa nakalipas na 19 taon. Dagdag pa niya na ang tradisyong ito ay nagsisimbolo ng patuloy na kooperasyon sa pagitan ng city government at ng Filipino-Chinese Community para sa ikauunlad ng lungsod.
Inalala ng mayor na ang Baguio City ay ang unang local government unit na opisyal na ipinagdiwang ang Chinese New Year sa ilalim ng Ordinance 18, Series of 1999.
Tiniyak naman ng Filipino-Chinese Community na mas paghahandaan pa nila at paplanuhing mabuti ang mga susunod na selebrasyon katulong ang city government. ALLAN LEMUEL C. SUNGA, UB Intern / ABN

RELATED POSTS

BAGUIO BOOK FAIR

BAGUIO BOOK FAIR

The Development Board Association of the Philippines, with the support of the National Book Development Board of the Philippines, brings...

LATEST NEWS

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

BAGUIO CITY (November 28, 2022) -- Triple A public works contractor Phesco Inc., operating a concrete batching plant in Sablan, Benguet, insists it has instituted mitigating measures averting earlier complaints of concrete spillages into the drainage system in sitio...

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

IT BEGINS

IT BEGINS

Members of the Fil-Am Golf Invitational executive committee pose with Baguio mayor Benjamin Magalong after the ceremonial tee-off at the Baguio Country Club Thursday, Nov. 24 that signal the starts of the 72nd edition of the worlds largest amateur golf tourney. Some...

10 DRUG PERSONALITIES, NALAMBAT SA OPERASYON SA CORDILLERA

LA TRINIDAD,Benguet -- Arestado ang sampung drug personalities sa isang linggong anti-illegal drugs operation ng Police Regional Office-Cordillera na isinagawa mula Nobyembre 13 hanggang 19. Sa talaan ng Regional Operations Division (ROD) ng PROCOR, anim na drug...

BARANGAY MERGING ISINUSULONG NA SA LUNGSOD NG BAGUIO

BAGUIO CITY – Inaprubahan na sa unang pagbasa ng Sangguniang Panlungsod sa kanilang regular session noong nakaraang Lunes ang iminungkahing ordinansa na nag-aapruba sa pagsasanib ng 128 barangay ng lungsod mula sa 34 barangay lamang, na napapailalim sa mga limitasyon,...

MINE SAFETY FIELD DEMO

MINE SAFETY FIELD DEMO

The Philippine Mine Safety and Environment Association held its Mine Safety Demo and Competition at the Melvin Jones football field. Mining companies all over the country demonstrate their skills in Mine Safety and first aid response during the COVID-19 Pandemic....

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest