Cash incentives para sa mga barangay

Tumataginting na P50,000; P30,000;P20,000 cash incentives ang ibibigay ni Mayor Magalong sa mga barangay sa lungsod na makakabuo ng 95 porsiyento na mapabakunahan ang senor citizens sa kani-kanilang nasasakupan.

Ginawa ito dahil may 11,000 registered senior citizens pa ang hindi pa nagpapakuna laban sa COVID, mula sa kabuuang 32,603 registered elderlies sa lungsod.

Sa kabuuang bilang ay 30,000 ang naisyuhan ng Senor Citizen Identification Card. Sa 32,603 senior citizens na nagpa-registered sa
bakuna.baguio.gov.ph, ay 1,605 ang naturukan ng one dose na J and J; 19,440 ang fully vaccinated ng Sinovac, Astrazeneca, Gamaleya at Pfizer brands.

Sa nasabing bilang na nabakuhan ay 11,000 pa ang dapat mabakunahan, kaya nanawagan si Mayor Magalong sa 128 barangay na hikayatin ang senior citizens na hindi ‘o ayaw magpabakuna. Siguro naman sa insentibong ito na nakatakdang i-award sa Baguio Day celebraton sa Setyembre 1, ay magsasama-sama na ang mga barangay officials para hikayatin ang kanilang residente na SC na hindi pa nagpapabakuna.

Bawal muna turista sa Baguio – Habang pinaghahandaan ang paghihigpit sa National Capital Region sa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) mula Agosto 6 hanggang Agosto 20, ay maghihigpit din ang ating siyudad ng Baguio sa pamamagitan ng pansamantalang pagsuspinde sa non-essentials travels simula Hulyo 31,2021.

Means, bawal muna ang turitsta at mga pagbibiyahe na hindi essentials, palabas at papasok ng Summer Capital.

Ang Advisory ay pinalabas ni Mayor Benjanim Magalong upang hindi tayo mapasukan ng Covid variant, lalong-lalo na ang Delta Variant, na ngayon ay lumalaganap sa Metro Manila at iba pang lalawigan.

Pansamantala lamang ito, kaya sa mga mahilig maggala palabas ng Baguio ay ipagpaliban muna, dahil dobleng paghihigpit ang ipapatupad ng ating pulisya sa mga boarders.

Let’s keep GCQ status… Nagbabala si Mayor Benjamin Magalong sa kumakalat na pekeng vaccination card o tinatawag na vaccine passport na gagamitin sa transaksyon,lalong-lalo na sa pagpasok sa siyudad ng Baguio.

Vaccine Stub – Pinanaiiral ngayon sa ating lungsod ang No Stub, No Vaccine at No Walk In policy na nagsimula noong Hulyo 27 upang maiwasan ang pagdagsa ng tao sa vaccination areas. Isa sa dahilan ay ay kakulangan o’ limitadong suplay ng vaccine sa ating siyudad sa kabila naman ng agresibong pagpapabakuna ngayon ng maraming residente.

Noon ay hirap ang ating health department na makumbinse ang mga tao sa pagpapabakuna, ngayon ay hirap pa rin ang ating mga health workers kung papaano i-aacommodate ang mga tao, sa kabila ng limitadong suplay ng bakuna.

Pansamantala lamang daw ito, dahil naging imot-imot ang pagdating ng 360,000 Astrazeneca vaccine na inorder ng city government para sa mga residente ng siyudad.

Ayon kay Mayor Magalong, kapag dumagsa na ang suplay ng vaccine ay madadagdagan pa ang mga vaccination sites.

Kaya, minabuting daanin muna sa stub para lahat ng 128 barangay ay maging pantaypantay ang trato sa taong gustong magpa-bakuna.

Amianan Balita Ngayon