“CASINO JUNKET ” RAKET SA BAGUIO AT CAR “

Namamayagpag ang raket ng mga “matatamis ang dilang” kawatan sa Baguio City at mga karatig pook. “Casino Junket” ang tawag. Ang siste? May mga umiikot na mga “facilitator” ng “Players Clubs” na nageenganyo sa publikong “maginvest” ng pera na tutubong limang porsyento bawat buwan. Gagamitin umano ang investment sa Okada sa Parañaque upang lumago.

Marami na ang mga naging “open-minded” kuno sa “passive income” na ala
tubong lugaw. Sino ba naman ang hindi kakagat sa halimbawang investment na P50k ay tutubo ng P2,500 kada buwan at sa isang tao’y maliwanag na P30k. Ang pambudol pa ng mga kawatan, mas malaking investment,
mas malaking tubo. Halos walang magaakalang “scam” ang naglipanang “Casino Junkets” kumpara sa mga
nakarang “investment schemes” gaya ng Satarah na tutubo ng 40 porsyento dahil ipanglalaro sa Forex ang mga
nalikom na investments.

Sa Rehiyong Kordilyera pa lamang, mayroon nang aabot sa P1.5B ang nalikom na “investments” ng isang grupong nakamaskarang “Casino Junket”. Lahat ng mga investors ay nasisilaw sa kintab ng mga pasiklab ng mga “facilitators” na dala nilang mga magagarang sports cars tuwing mangeeganyo ng “investor”.
Marahil tumubo na nga ang iba dahil sa limang porsyentong kita. Marahil pa nga’y pati yung porsyento’y
idinadagdag na bilang “top up investment” sa kagustuhang lumaki pa balang araw.

Ang hindi alam ng karamihan, nag-iipon na lng ng panahon at ng “investments” ang grupong “minatamis ang dila” at maglalaho na lang parang bula kasama ang mga “investments”. Napagtanto na ng Securities and Exchange Commission na kapag hindi
rehistradong “Investment House” ang isang kumpanya, hindi ito lehitimong makalikum ng investments at nagbabadya ng malaking peligro sa mga investors. Budol-budol ‘di ba? Kaya, mag-ingat dahil umaalingasaw
ang sangsang ng panggagantso ng mga “Casino Junkets”.

Amianan Balita Ngayon