Inihayag at ibinulalas ang sama ng loob at pagkasiphayo ng mga residente ng Baguio sa patuloy na paglala ng trapiko sa lungsod dahil sa pagdagsa ng mga turista lalo na noong bago ang kapaskuhan. Bumaha ang social media ng mga reklamo at samo’t-saring komentrayo tungkol sa paanong ang masikip na trapiko ay nagdudulot ng abala […]
Ang taong 2022 sa Pilipinas ay nagdetalye ng mga kapansin-pansing pangyayari at ang mga nakatakdang mangyayari sa bansa sa taong 2022. Ang pandemya ng Covid-19 na higit na tinukoy ng naunang dalawang taon ng 2020 at 2021 ay nagpatuloy sa 2022. Maliban sa pandemya ay nakaranas ang Pilipinas ng sunod-sunod na sakuna at mga kalamidad […]
Wala na sigurong dadaig pa sa mga Pilipino kung selebrasyon ng Pasko ang pag-uusapan. Sa katunayan, ang Pilipinas ay kilala sa may pinaka-mahabang pagdiriwang ng pasko sa buong mundo. Bantog ang bansa sa pag-uumpisa ng kanilang pagdiriwang ilang buwan pa bago ang kapaskuhan. Nagsisimula ito ng maaga sa buwan ng Setyembre o ang tinatawag na […]
Ilang taon na ba, o ilang dekada na kaya ang mabibilang kung saan ang Lungsod ng Baguio ay isa o hindi man ang pinakapaboritong lugar na puntahan ng mga tao, lokal man o banyaga tuwing sasapit ang panahon ng Kapaskuhan? Tama, baka daang-taon na ring dinadagsa ang lungsod dahil sa angking malamig na klima, tahimik […]
Ang disiplina ay isa sa pinaka-importanteng kaugalian ng pagkatao sa buhay ng bawat isa. Ito ay tumutukoy sa isang kalipunan ng mga tuntunin at gabayan na kailangang sundin habang sumasailalim sa isang trabaho o aktibidad. Isa itong pamamaraan ng pagiging matapat, kasipagan, determinado, at nahihimok habang gumagawa ng anumang trabaho o aktibidad. Isa itong karakter […]
Ang tubig ay mahalaga para sa buhay ng tao, ngunit sa kabila ng di-matutulang katotohanang ito na lagi nang inuulit sa mga opisyal na publikasyon, pandaigdigang mga kampanya, at politikal na paggalaw sa nakalipas na dalawang dekada ay nagkaroon ng mainit na debate kung dapat bang tuwirang tanggapin na ang tubig ay isang karapatang pantao, […]
Sa muling pagluluwag ng mga restriksiyon at ang layong muling pasiglahin ang industriya ng turismo sa lungsod ng Baguio na hindi maikakailang labis na naapektuhan ng pagtama ng pandemya ng Covid-19 ay inuudyok ng Sangguniang Panglungsod sa pangunguna ni Councilor Lilia Farinas, chairwoman ng committee on tourism, special events, parks and playgrounds na kailangang suportahan […]
Noong Nobyembre 15 ay pumalo na sa walong bilyon ang pandaigdigang populasyon sa mundo, isang babaing sanggol ang isinilang sa Manila na tinagurian bilang sumasagisag sa ika-walong bilyong tao sa mundo. Nagdiriwang ang United Nations (UN) at sinabing ang mahalagang pangyayari ay isang pagdiriwang ng napakahabang buhay ng tao dahil sa mga pag-unlad sa pampublikong […]
Alinsunod sa Artikulo XV, Seksiyon 4 ng Saligang Batas, tungkulin ng pamilya na alagaan ang matatandang miyembro nito habang ang Estado ay maaaring magdisenyo ng mga programa ng seguridad panlipunan para sa kanila. “Magbibigay ang Estado ng panlipunang hustisya sa lahat ng yugto ng pambansang kaunlaran.” Isa pa, sinasabi sa Artikulo VIII, Seksiyon 11 na: […]
Ang laki ng ambag ng tao sa modernong pandaigdigang pag-init (global warming) ay mainit na pinagdedebatehang usapin sa pangkating pulitikal, lalo na sa mayayamang bansa. Ipinakita sa maraming mga pag-aaral na mahigit 90 porsiyento ng mga siyentipiko na pinag-aralan ang klima ng mundo ay sumang-ayon na umiinit ang mundo at ang mga tao ang siyang […]