Una nang binatikos ni Mayor Benjamin Magalong ang supresyon o pagpapatigil sa mga pondo ng Beneco ay isang walang-konsensiya at kasuklam-suklam na gawain na makakaapekto sa mga residente ng Baguio. Sinabi niya na habang nakabinbin pa sa korte ang desisyon ay hindi dapat sa anumang paraan makompromiso ang interes at karapatan sa mahusay at maaasahang […]
Noong nakaraang buwan ay ipinila ni Mayor Benjamin Magalong ang unang kaso ng graft and corrupt practices laban sa mga opisyal ng Baguio City District Engineering Office ng Department of Public Works and Highways (BCDEO-DPWH) sa Ombudsman at nitong Agosto 5 ay muling nagpila ito ng isa pang kaso ng katiwalian laban sa mga opisyal […]
Muling isinusulong ni Baguio City Councilor Leandro Yangot sa ikalawang pagkakataon ang isang panukalang ordinansa na kontrolin at iutos ang pagkakaroon ng permit para sa mga buskers o nagtatanghal sa lansangan o pampublikong lugar sa lungsod. Ang unang pagtatangka ni Yangot na makontrol ang “busking” sa lungsod ay noong 2017 ngunit ito ay hindi nakapasa […]
Eksaktong 32 taon ang nakalipas, ang biglang malakas at medyo matagal na pagyanig bandang 8:45 ng umaga noong Hulyo 27 na sumentro sa Abra at naiulat na umabot sa magnitude 7.3 ay malakas ding naramdaman sa maraming lugar sa Luzon kabilang ang Metro Manila, ay muling nagpa-alaala sa bangungot ng kilabot na Hulyo 16, 1990 […]
Ang pagtugon sa talamak na kahirapan ay hindi isang madaling bagay, katunayan ay kinakailangan ng matagal na panahon na kaakibat ang napakabigat trabaho at maigting na pagsisikap. Hindi rin ito maisasakatuparan kung walang pera – napakalaking halaga ng pera. Laganap ang kahirapan sa maraming bansa kaya nalikha ang mga programang Conditional Cash Transfer (CCT) na […]
Naaalarma na ang mga awtoridad sa kalusugan dahil sa mataas na mga kaso ng dengue sa bansa ngayon. Ayon sa Department of Health (DOH) nakapagtala ang bansa ng 64,797 mga kaso ng dengue mula Enero 1 hanggang Hunyo 25, 2022 ay may 90% pagtaas kumpara sa mga kasong naiulat sa parehong panahon ng nakaraang taon […]
Binulaga ang mga tao lalo na ang mga residente ng lungsod ng Baguio sa sumambulat na palitan ng mga maiinit na salita sa pagitan nina Baguio Mayor Benjamin Magalong at Baguio Councilor Mylen Yaranon, sa Social Media na Facebook at mismo sa flag raising ceremony ng lungsod, gayundin sa mga panayam. Nag-ugat ang bangayan ng […]
Nagdesisyon na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na panguluhan ang Department of Agriculture (DA) dahil malubha na problema at upang masiguro ang agarang aksiyon ng gobyerno sa gitna ng patuloy na mga nangyayari sa buong daigdig kasama ang giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine na sanhi ng pagtaas ng mga presyo sa langis […]
Waring wala nang makakapigil sa patuloy na pagtaaas ng mga presyo ng gasolina. Itinaas ng mga kompanya ng langis ang presyo sa lahat ng produkto ng langis sa ikatlong sunodsunod na linggo na umabot hangang PhP3.10 kada litro na epekto ng mga paggalaw ng mga presyo sa pandaigdigang merkado. Tinukoy ng mga eksperto ang mga […]
Lipas na ang panahon kung kelan natikman ng Pilipinas ang masaganang ani sa agrikultura, kung saan nakakapag-export pa tayo ng bigas at iba pang produkto sa ibang mga bansa. Nakamtan natin ang tinaguriang “Ginintuang Panahon ng Agrikultura” – mga 40 dekada na ang nakalilipas. Maibabalik pa kaya ang ganitong pagkakataon? Sa mga nagdaang mga panahon […]