Category: Latest News

Snatcher, kinuyog ng mga tao

LUNGSOD NG BAGUIO – Nadakip ang isang suspek sa pagnanakaw ng dalawang cellphone ng isang dalagita sa University of Cordillera overpass, Governor Pack Road, Baguio City bandang ika-3 ng hapon noong Pebrero 26. Ayon sa imbestigasyon, naglalakad sa nasabing lugar ang biktima na taga-Malaybalay, Bukidnon, Muntinlupa City kasama ang kanyang kaibigan nang lumapit ang suspek […]

Kabataan ng La Trinidad, nagpagalingan sa mural at poster contest

LA TRINIDAD, Benguet – Nagpaligsahan ang mga estudyante mula sa iba’t ibang high school at kolehiyo ng Baguio at Benguet sa ginanap na mural painting at poster making contest sa pader ng Trading Post noong ika-1 ng Marso 2017 bilang bahagi pa rin ng pagdiriwang ng Strawberry Festival. Ito ay may temang “Sustaining the fruits […]

Phaseout ng jeepney, inayunan ni Domogan

LUNGSOD NG BAGUIO – Sumang-ayon si Mayor Mauricio Domogan sa planong phaseout ng jeepney sa kabila ng kamakailang isinagawang kilos-protesta ng mga transport groups sa lungsod upang kontrahin ito. Sa kanyang Ugnayan ay nagpahayag ang alkalde ng kanyang pagsang-ayon na ipagbawal ang pagpapasada ng mga lumang jeepney na may edad 15 taon pataas.

BBEAL championship

Nagwagi ang University of Baguio Lady Cardinals laban sa University of the Cordilleras Jaguars sa volleyball championship match ng Baguio-Benguet Educational Athletic League noong ika-3 ng Marso 2017 sa UC gym.

GINTO steps

Nagpamalas ang Guild of Integrated Talent Artists ng kanilang galing sa pagpipinta sa pakikipagtulungan ng Boysen Philippines. Ang GINTO Steps ay pinasinayaan noong Marso 3, 2017 sa harap ng Baguio City post office. Isa ito sa mga bagong kinatutuwaang lugar ng mga turista at residente para kumuha ng larawan.

For world peace

Isang Prayer Day ang ginanap sa La Trinidad, Benguet noong Pebrero 22, 2017 sa temang “May Peace Prevail in Earth” kasama si Mayor Romeo Salda (nakaupo pangalawa sa kanan), Vice Mayor Joey Marrero(kaliwa sa likuran) at guest speaker na si Mario “Toots” Fungo (gitna sa likuran).

Shaming campaign sa nagkakalat ng basura, ipinatupad ng Bangued

Tatlong katao ang ipinarada habang may nakasabit na plakard sa kanilang katawan na nagsasabing “huwag akong tularan, nagtapon ako sa kanal” sa kabuuan ng public market ng Bangued, Abra upang igiit sa mga residente ang pagsunod sa mga batas at regulasyon na pangkalikasan. Bukod sa pagparada ay pinagmulta rin ang mga ito ng P200.

LT crime rate drops

  LA TRINIDAD, Benguet – Crime incidents in the municipality has dropped considerably during 2016 compared to the number of crime incidents monitored in 2015. In a report from La Trinidad Municipal Police Station, the 2,580 total crime volume in 2015 dropped to 2,174 in 2016, showing a 406 decrease in crime incidents or about […]

Strawberry, bumaba ang presyo

LA TRINIDAD, BENGUET – Mas mababa ngayong linggo ang presyo ng strawberry kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon. Sa Baguio public market, nagkakahalaga ang strawberry ng P200 hanggang P350 kada kilo kumpara noong nakaraang taon na umabot sa P350 haggang P500 kada kilo.

Masayang weekend, handog ng Panagbenga sa pamilya Baguio

LUNGSOD NG BAGUIO – Isang nakakalibang na weekend para sa mga bata at matatanda ang dulot ng Handog ng Panagbenga sa Pamilya Baguio noong Pebrero 12, 2017 sa Melvin Jones football grounds. Ito ay bahagi pa rin ng isang buwang pagdiriwang ng Panagbenga 2017. Layunin nito na mapatibay ang pagsasama ng pamilyang Pilipino.

Amianan Balita Ngayon