Category: Latest News

Outstanding smoke free environment

Tinanggap ng Conner District Hospital ng Apayao ang Oustanding Smoke-Free Environment award na may premyong P20,000 cheque at cintraboard sa ginanap na Harmonized Regional Gawad Kalusugan ng DOH-CAR noong February 16, 2017 sa Crown Legacy Hotel, Kisad Road, Baguio City.

Dugong alay

Isang blood donation ang ginanap sa People’s Park, Baguio City sa pamumuno ng Red Cross Baguio City Chapter kaagapay ang ABS-CBN Baguio at ng MOR 103.1. Ito ay nag-umpisa 6AM hanggang 4PM noong ika-14 ng Pebrero, 2017.

Medical mission

Isinagawa ng University of Baguio ang libreng check-up kasabay ng Handog ng Panagbenga sa Pamilya Baguio noong Pebrero 12, 2017  sa Melvin Jones, football grounds na bahagi pa rin sa pagdiriwang ng Panagbenga 2017.

Organizers shrug off threats to Strawberry Fest

LA TRINIDAD, BENGUET – Organizers are adamant to continue this year’s celebration of the Strawberry Festival despite numerous threats that may jolt the event. Tourism officer Jude Yunzon said the municipality of La Trinidad is prepared for the upcoming celebration of the 36th Strawberry Festival with the theme “Sustaining the Fruits of La Trinidad’s Agro-Eco […]

Concert para sa drug surrenderers, matagumpay

LA TRINIDAD, BENGUET – Nagpakitang gilas sa pag-awit ang mga drug surrenderers at kombo na binubuo ng kapulisan ng La Trinidad sa isang concert for a cause sa municipal gym noong Pebrero 11, 2017. Ang naturang concert na may temang “Unity for a change, kasangga sa pagbabago” ay pinagtulungang binuo ng municipal police at lokal […]

1st Cordillera Film Fest, idaraos sa La Trinidad

LA TRINIDAD, Benguet – Idaraos ng bayan ng La Trinidad ang kauna-unahang Cordillera Film Fest sa Adivay Village area sa Wangal bilang bahagi ng pagdiriwang ng 2017 Strawberry Festival. Ayon kay Valred Olsim, municipal tourism officer ng La Trinidad, layunin ng aktibidad na ipakilala sa mga manonood ang mga lokal na filmmakers ng La Trinidad. […]

Lalaki arestado sa kasong frustrated murder

LUNGSOD NG BAGUIO – Dinakip ang isang 22 anyos na lalaki noong Pebrero 13, 2017, dakong 11 ng umaga sa Purok 8 Sto. Rosario Valley Barangay, Baguio City dahil sa kasong frustrated murder. Ang pag-aresto ay isinagawa ng mga miyembro ng Baguio City Police Office-Station 10, Provincial Intelligence Branch (PIB)-Benguet, Tuba municipal police, Regional Intelligence […]

Mga paaralan sa Baguio, nagpaligsahan sa fresh flower arrangement

LUNGSOD NG BAGUIO – Nagpagalingan sa paggawa ng lobby centerpiece ang mga estudyante sa elementarya habang mga guro sa sekondarya naman ang nagpaligsahan sa paggawa ng dish garden sa 2017 division school based fresh flower arrangement competition noong Pebrero 15 sa Department of Education-Cordillera Administrative Region (DepEd-CAR) Division Office. Ang kompetisyon ay nahati sa dalawang […]

War on drugs, sayang – Domogan

LUNGSOD NG BAGUIO- Ipinahayag ni Mayor Mauricio Domogan ang kanyang panghihinayang sa pagka-udlot ng mga operasyon laban sa droga sa ilalim ng Philippine National Police (PNP). Sinabi ng mayor sa kanyang lingguhang Ugnayan na nasasayangan siya sa hindi pagtuloy ng kampanya ng pulis kontra sa ipinagbabawal na gamot  dahil napakarami na ang surenderees.

Malilikom ng Flower Tee Golf, mapupunta sa dialysis patients

LUNGSOD NG BAGUIO – Mabebenipisyuhan ang Baguio General Hospital Dialysis Patients and Partners Association mula sa malilikom na pera sa Flower Tee Golf Tournament. “Napakaraming sports activities inline sa Panagbenga, pero itong golf tee tournament is very especial dahil meron tayong beneficiaries, it’s for BGH patients to have free dialysis,” pahayag ni ABC president at […]

Amianan Balita Ngayon