Category: Latest News
Lalaking nasuntok, nahulog sa hagdan ng overpass
February 17, 2017
LUNGSOD NG BAGUIO – Nahulog sa hagdan ng overpass ang isang lalaking minero matapos itong suntukin ng kapwa minero, dakong alas-dos ng hapon ng ika-11 ng Pebrero 2017. Nakilala ang biktima na si Leo Legasi Pirdosan, 30 anyos, at ang suspek na si Alfonso Paraden Dagdapig, 31 anyos, may-asawa, at residente ng Purok 7 Kias, […]
Museo Kordilyera, ibinukas na sa publiko
February 17, 2017
LUNGSOD NG BAGUIO – Binuksan na sa publiko ang kauna-unahang etnograpikong museo sa rehiyon matapos ang pormal sa inagurasyon noong Enero 31, 2017 sa University of the Philippines-Baguio. Ang Museo Kordilyera ay isang tatlong palapag na gusali na naglalaman ng mahahalagang bagay at koleksyon na may kinalaman sa rehiyong Cordillera, mga mamamayan nito, tradisyon at […]
8 katao sugatan sa salpukan ng kotse
February 17, 2017
LUNGSOD NG BAGUIO – Sugatan ang walong katao matapos nagbanggaan ang dalawang sasakyan sa Leonard Wood Road noong ika-10 ng Pebrero 2017, dakong 5:50 ng umaga. Sa ulat ng pulis, ang Toyota Corolla sedan na minamaneho ni Kevin Patrick Miranda Payoyo, 24, may-asawa, at residente ng Bonifacio Street, ay mula sa direksyon ng Pacdal at […]
Isa sa 10 most wanted sa Ifugao, nahuli
February 10, 2017
Nahuli ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Ifugao sa tulong ng munisipalidad ng Alfonso Lista at Kiangan police station ang kabilang sa listahan ng 10 most wanted ng probinsiya noong Pebrero 3, 2017 dakong 6:30 ng umaga sa Sitio Sabilan, Sta. Maria, Ifugao. Ang suspek na kinilalang si Henny Lagmay Lumaig ay nahuli sa […]
Esthetic Dentistry training, isasagawa sa Baguio
February 10, 2017
LUNGSOD NG BAGUIO – Magsasagawa ang Philippine Academy of Esthetic Dentistry (PAED) ng enhancement program sa lungsod na magbibigay ng pagsasanay sa larangan ng esthetic dentistry. Sa pamamagitan ng PAED Esthetic 101 ay makakakuha ng napapanahong kakayahang klinikal at pang-laboratoryo mula sa PAED lecturers, facilitators at resource speakers na magsasagawa ng detalyadong dental procedures na […]
Vendors sa trading post, 45 araw na magtitinda sa BAPTC
February 10, 2017
LA TRINIDAD, BENGUET – Kumpirmado na ang paglilipat ng mga mangangalakal ng gulay mula sa Trading Post patungo sa Benguet Agri-Pinoy Trading Center (BAPTC). Ngunit paglilinaw ni Janice Binay-An, municipal marketing supervisor, ang paglilipat ay pansamantala lamang.
Magnanakaw, humiling makipagtalik sa biktima
February 10, 2017
LUNGSOD NG BAGUIO – Matapos pinagnakawan ng cellphone ang isang babae ay hiningi ng suspek ang pakikipagtalik sa biktima kapalit ng pagsasauli sa cellphone nito. Sa ulat ng pulis, ang biktima na kinilala sa pangalang Margie at ang suspek na kinilalang si Rimando “Bhong” Ducusin ay nagkatabi sa sinakyang jeep mula sa Bengao, Bakakeng Central, […]
Mga atleta ng CARAA 2017, nagsidatingan na
February 1, 2017
LUNGSOD NG BAGUIO – Sa pagbubukas ng Panagbenga ay dumating na rin ang iba’t ibang kinatawan at atleta ng rehiyon para sa Cordillera Administrative Region Athletic Association (CARAA) Meet sa ika-4 hanggang ika-8 ng Pebrero 2017. Nauna rito ay napiling muli ang Baguio para mag-host sa naturang paligsahan ng pampalakasan.
Page 22 of 22« First«...1819202122