Category: Police Patrol

3 magsasaka pinagbabaril

Tatlong magsasaka ang pinagbabaril sa Barangay Gumot, Rosario, La Union noong umaga ng Marso 8.

Bahay sa Urdaneta, nasunog dahil sa short circuit

URDANETA CITY, PANGASINAN – Maswerteng walang nasaktan sa sunog na tumagal nang halos 30 minuto sa isang bahay sa Zone 3 Mabanogbog, lungsod na ito, ika-9 ng umaga noong Pebrero 20, 2017.

4 sugatan sa bumagsak na tulay sa Pangasinan

Sugatan ang apat na trabahador matapos bumagsak ang hindi ginagamit na lumang tulay ng Barangay Baay sa Lingayen, Pangasinan, dakong alas tres ng hapon noong Pebrero 21, 2017. Ang mga trabahador ng Rani Construction & Supply na nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan ay kinilalang sina Vevencio Conise, 57 anyos; […]

Binatilyo, inakusahang nanggahasa

Inaresto ang isang binatilyo bandang 5:30 ng hapon ng Pebrero 15, 2017 sa Boted, Tawang, La Trinidad Benguet dahil sa kasong panggagahasa.

Nagnakaw ng car stereo, nadakip

TRINIDAD, BENGUET -Nadakip ang isang 25-anyos na suspek sa pagnanakaw ng isang car stereo sa Upper Wangal, La Trinidad, Benguet noong Lunes, Pebrero 13.

Lalaki arestado sa kasong frustrated murder

LUNGSOD NG BAGUIO – Dinakip ang isang 22 anyos na lalaki noong Pebrero 13, 2017, dakong 11 ng umaga sa Purok 8 Sto. Rosario Valley Barangay, Baguio City dahil sa kasong frustrated murder. Ang pag-aresto ay isinagawa ng mga miyembro ng Baguio City Police Office-Station 10, Provincial Intelligence Branch (PIB)-Benguet, Tuba municipal police, Regional Intelligence […]

Lalaking nasuntok, nahulog sa hagdan ng overpass

LUNGSOD NG BAGUIO – Nahulog sa hagdan ng overpass ang isang lalaking minero matapos itong suntukin ng kapwa minero, dakong alas-dos ng hapon ng ika-11 ng Pebrero 2017. Nakilala ang biktima na si Leo Legasi Pirdosan, 30 anyos, at ang suspek na si Alfonso Paraden Dagdapig, 31 anyos, may-asawa, at residente ng Purok 7 Kias, […]

Isang taga-HK, 2 pang pusher huli sa buy-bust

Tatlong hinihinalang drug pusher na kinabibilangan ng isang Hong Kong national ang nahuli ng otoridad sa isang buy-bust operation noong Pebrero 8 ng hapon sa Sgt. Floresca, Malvar, Aurora Hill, Baguio City.

Mandurukot, huli sa Session Road

Nabawi ang pitaka ng isang babaeng nabiktima ng pandurukot matapos mahuli ang suspek sa Session Road, dakong 4pm ng Pebrero 5, 2017.

Construction worker, arestado sa pananaksak

Nagtamo ng sugat sa leeg at ulo ang isang trabahador matapos itong saksakin ng isang construction worker dakong 3 ng hapon ng Pebrero 5, 2017 sa looban, Iglesia ni Cristo, San Luis, Baguio City.

Amianan Balita Ngayon